Kylie's P.O.V
Papasok na sana ako sa Mansion ng bigla akong hatakin ni Thrist.
Sinamaan ko sya ng tingin. Medyo nasaktan kasi ako sa pagkakahatak nya.
"What do you want?" Blankong tanong ko sa kanya.
"Your time" Nag iwas ako ng tingin. Eto nanaman yung abnormal kong puso. Kumakalabog nanaman sya ng sobrang lakas.
"Sorry. Binibigay ko lang ang oras ko sa taong karapat dapat bigyan" Alam ko.. alam ko namang hulog na hulog na ako eh. Sa pangalawang pagkakataon nagmahal nanaman ako.
Hindi na ako nadala. Mukha kasing hindi ko deserve na sumaya eh.
"Diba Boyfriend mo ko? Kailangan ko ng oras m---"
"Sorry. Pero madami kasi akong boyfriend eh" putol ko sa sasabihin nya. Gusto kong mapalunok sa emosyon na nakita ko sa mga mata nya.
Galit..Sakit..Panghihinayang at Lungkot..
Sorry thrist.. Mahal kita Pero... Hindi ko kayang lumaban para sayo eh.
Matitibay at Matatatag ang mga pader na nakapagitan satin. Hindi ko kayang tibagin yun...
"N-Niloko mo lang ako?" Hindi makapaniwalang sabi nya.
Lumunok ako at itinago ang lahat ng emosyon ko. Tsaka ko sya tiningnan sa mata.
"Oo. Niloko lang kita" Diretchong sabi ko. Gusto kong Kabahan ng makitang blanko na din ang mga mata nya. Hindi ko na alam kung nasasaktan o nagagalit sya.
Ngumisi ako. "Na realize ko kasing hindi ko pala kayang mag seryoso. Hindi ko pala kayang isa lang ang hinahalikan.. Isa lang ang dini date at bukod sa lahat.." inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. Hindi sya nagpatinag. "Isa lang ang lalaki"
Kita ko ang pagkatulala nya.
Nasasaktan ako.. Pero hindi sa lahat ng oras puso ang paiiralin ko..
Hindi kami matatahimik kung Ipaglalaban ko kung anong meron kami.
Magkaiba ang mundo namin.
Nasa Magulong mundo ako..
Habang sya malaya.. Madami pa syang makikilalang babae na siguradong mas mamahalin nya...
Kaya ngayon palang.. Pinapalaya na kita thrist.. Hindi mo deserve ang katulad kong duwag..
Im sorry...
"Narinig mo? Kaya tigilan mo na ako thristan. Hindi ko na kayang makipag laro sayo"
Tumalikod na ko bago pa mahulog ang mga luha ko. Salamat parin dahil nakakapag salita pa ko ng diretcho.
Pero bago pa ko makahakbang.. naramdaman ko ang paghawak nya sa braso ko.
Napapikit ako. Tuloy ay lumaglag na ang kanina pang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
Hindi ako lumingon. Ayokong makita nyang nasasaktan din ako. Baka mas mahirapan kaming dalawa.
"Tanggap ko Ky.." Sandaling huminto ang paghinga ko ng marinig kong humikbi sya.
Damn! Sinasaktan ko sya...
Nasasaktan kaming dalawa.
"Tanggap kong hindi mo ko seseryosohin.. Pero tandaan mo Ky... Ikaw lang ang babaeng Minahal ko.. Yung babaeng nagpatino sa gagong katulad ko, Yung ibang iba sa lahat ng babaeng nakilala ko. Yung babaeng Nagturo saking Magmahal ng totoo."
Yung kaninang patak lang na luha.. ngayon ay parang gripo na..
Kung alam mo lang Thrist. Kung alam mo lang kung gaano mo ko binago.
"Pero ikaw din yung babaeng nagparamdam sakin ng sobra sobrang sakit" dagdag nya pa. Lumuwag ang pagkakahawak nya sa braso ko. Ramdam ko din ang panginginig nya..
Gusto ko mang punasan ang mga luha nya, Gusto ko mang yakapin at patahanin sya.. Hindi ko magawa!
"Pero kung gusto mong bitawan na kita.." dinig ko ang paghinga nya ng malalim na para bang hirap na hirap na sya. "Sige ky. Malaya kana"
Dahan dahan ang naging pagbitaw nya sa braso ko.. Para din akong tinanggalan ng hininga..
Please Thrist.. Wag mo kong bitawan...
Pero halos mapaupo ako sa kalsada ng tuluyan na nya kong bitawan.
Kasunod ang pagtunog ng makita ng kanyang sasakyan..
Sandali ko yung sinulyapan..
Tuluyan na nya akong iniwan.
Tsaka ko nilabas ang lahat ng sakit. Naramdaman ko nalang ba niyakap ako ni Love.
"Ayos lang yan.. Isipin mo nalang ginawa mo to para sa kanya din" Hinagod hagod pa nya ang likod ko. Pero hindi yun nakatulong dahil mas napahagulgol ako.
Tangna! Ang bigat.. Ang bigat bigat sa pakiramdam.!
"Love. Mahal ko sya! Mahal na mahal!. Pero ang sakit! Ang sakit sakit din!" Humigpit pa ang yakap nya kaya medyo nahimasmasan ako. totoo pala talagang nakakagaan sa pakiramdam kapag niyayakap ka.
"Alam ko kylie. Alam ko.. Wush. Stop crying"
Suminghot ako. "Kayo ni brent? Nakausap mo na ba sya?" Naramdam ako ang pagtango nya.
"Wala na kami" Sagot nya lang. Hindi na ko nagtanong pa ulit dahil baka ayaw na nyang pag usapan.
Yayayain ko na sana sya sa loob ng biglang bumuhos ang ulan. Nag alala tuloy ako bigla kina alex at Laurein.
Nakita ko na kasing lumabas si sheena sa kotse ni ken na medyo namumula pa ang mata. Mabuti nalang at nasa silong kami nagyakapan ni Love.
Bumitaw ako sa yakap ni Love. Kitang kita ko kasi ang sakit sa mga mata ni sheena habang naglalakad sa gitna ng ulanan. Hindi nya alintana ang lakas ng ulan kasabay ng pagharurot ng sasakyan ni ken. Sandali pang sinundan ng tingin ni sheena ang papalayong sasakyan ni ken.
Agad naman naming tinakbo si sheena na parang wala sa sarili. Niyakap namin sya ni love. Sa ngayon.. kami kami lang ang nakakaalam ng pingadadaanan ng bawat isa.
"Wush. Tahan na sheena" pagpapakalma ko sa kanya. Hindi ko marinig ang paghagulgol nya pero sunod sunod ang pagpatak ng luha nya.
Kita ko ang dahan dahan ding naglalakad papalapit samin na sila Alex at Laurein.
Blanko ang mata ni Alex samantalang puno naman ng luha ang kay Laurein.
Isa lang ang alam ko ngayon.
Lahat kami nasasaktan.. at masasaktan pa.
Kailangan kong tibayan ang loob ko para sa kanila.
Tinanguan ko si love para salubungin na nya yung dalawa. Inakay namin sila papasok ng mansion.
"We need to change. May pasok pa bukas kaya hindi tayo pwedeng magkasakit" sabi ni love. Nakapagpalit na ko pero sila ay nanatili lang na nakatulala at parang wala sa sarili.
"Kailangan pa ba nating pumasok? Para saan? Aalis na din naman tayo." Kumento ni Laurein.
"Basta! Kailangan nating pumasok. Kaya magpalit na kayo ng damit. Baka magkasakit pa kayo nyan eh"
Parang patay si sheena na tumayo at dirediretchong umakyat sa kwarto nya.
________________
Waaaah sorry cuties hanggang dito muna. Pagod kasi ako sa paglalaba eh. :(bawi nalang ako next chapter. :)
Thankyouuu.
Please vote. :*
Saranghae :*
#Musicutie28
//Elaikaaaaaaa.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?