Alex/Queen P.O.V
Seryoso kong tinitingnan ang bawat galaw ng mga naglalaban sa "Ring of Death"
Patay kung patay ang laban sa loob ng ring na yun, At hindi na ko makapaghintay na makitang dumadanak ang dugo ng grupong Gorgeous Gangsters sa ring na yan. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nila lahat ng ginawa nila. Pagsisisihan nila na kinalaban nila kami.
Napangisi ako ng malademonyo sa naisip ko, I cant wait to see them bleeding, in pain, And begging for forgiveness.
"Whats with the smirk Queen?" Biglang kalabit sakin ni Spade. I just shrug.
"Nothing" tsaka ko sya binigyan ng isang makahulugang ngiti.
Napailing sya sa inasal ko. "Why do i feel na may kademonyohan kang pinaplano?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. ngunit naramdaman ko ang mahina nyang pagtawa.
"I know you queen. Kung ano man yang pinaplano mo. Dont do it yourself. Gawin natin. Narinig mo ko? gawin NATIN!" Napangiti nalang ako. Yeah right. Gagawin namin. Tuturuan namin sila ng leksyon.
ipapakilala naman sa kanila yung mga taong sinusubukan nilang kalabanin.
______________
Jerlyn' s P.O.V"Sino daw ang kalaban natin?" Tanong sakin ni Marpilyn. Nagkibit balikat lang ako tsaka tumingin ulit sa Ring of death.
"bakit ba hindi nila pinapaalam?" Naiinis naman na sabi ni Jam. Kahit ako ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang itago kung sino ang makakalaban namin. Ang sabi kasi samin ni bigshow ay umatras daw yung Grupo na dapat kalaban namin. Pero agad naman daw na may naghamon kaya tuloy ang laban namin.
"Sino naman kaya ang naghamon satin? Its been years simula nung may naghamon satin ah? Tsk tsk. Asa pa silang kaya nila tayo." Nakangising turan naman ni lei habang nagli lipstick ng sobrang kapal.
Napailing nalang ako, Hindi maganda ang pakiramdam ko.
Agad akong napatayo sa pagkakaupo ng makitang tapos na ang laban. May nanalo na,
It means. Kami na ang susunod na sasalang.
"Get ready" i said. Tumayo na din sila at nag inat inat.
"Why so serious Jerlyn? Its not like malalakas ang kalaban natin. Duh! They are so mahihina kaya!" maarteng agaw ni hazel sa atensyon ko.
"Yah right. Im sure na hinamon nanaman nila tayo trying to get our rank. Tss, Stupid them" Tsaka umairap pa si Lei.
Hindi ko sila pinansin at naghintay nalang na tawagin ang Grupo namin. ngayon lang ako nag alala na baka matalo kami sa laban.
Hindi ko kilala kung sino ang naghamon samin. Pero ito lang ang masasabi ko.
Goodluck.
______________
Kylie/Spade's P.O.VAgad akong napatayo ng marinig kong tinatawag na kami sa Ring.
Nakaramdam ako ng Excitement.
"Girls. Wag nyo ng patagalin. May mas mahirap pa tayong dapat tapusin" dinig kong sabi ni Queen bago naunang maglakad papalapit sa Ring of death.
Hindi ko mapigilang Malungkot. Tama si Queen. Kailangan naming tapusin agad to.
matalim kong tiningnan ang Gorgeous Gangsters na Walking pretty na naglalakad sa Red Carpet. Habang panay ang hiyawan ng mga tagahanga nila.
Hindi na ko magtataka na hindi kami kilala dito since ngayon lang ulit kami nakabalik dito.
Nakarinig ako ng mga bulungan mula sa mga manonood ng makita nila kaming naglalalad din papalapit sa ROD.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?