Chapter 48

1.1K 28 0
                                    

Brent P.O.V

"San tayo bi?" Napalingon ako kay Love ng iba ang itawag nya sakin. Who the fuck is bi?

"Bi?" Nag iinit ang ulo ko bigla.

Tumingin lang sya sakin na akala mo inosente sya.

"Hihi. I just want that endearment. Cute kasi eh." Tss. Minsan ang mga babae talaga wirdo eh. Napailing nalang ako. Ayos lang naman kahit ano pang tawagan namin eh.

"Oh? Bakit nakakunot yang noo mo? Ayaw mo ba nung bi?" Ngumiti at umiling lang ako sa kanya.

"No. Its just that.. I thought meron kang ibang katawagan ng mga sweet endearment eh."

Natawa sya sa sinabi ko.

"No bi. Loyal ako sayo" parehas kaming natawa sa kamaisan namin.

"Good then" i said half smiling.

Tumawa lang ulit sya. At itinuon na ang paningin sa labas.

"Pansin mo ba? Laging badtrip satin si Laurein?" Pagbubukas ko ulit ng topic. Takte nagugutom na ko. Feeling ko nga pumapayat na ko eh. Huhu yung mga pagkain nagtatampo na sakin.

"Ah.. Yun ba?" Napansin ko ang biglang pag seryoso nya sa tanong ko. Bigla tuloy akong kinabahan.

"May mapait na nakaraan eh." Nalangiwi ako. Mapait na nakaraan?

"Pano. Yung first boyfriend nya niloko lang sya." Biglang naging malungkot ang boses nya. I gulped.
"Saksi kami sa hirap ng pinagdaanan nya nung mga panahong sobrang nasasaktan pa sya. Biruin mo ba naman bi? Nung anniversary nila? Naabutan nya yung dalawang magkayakap sa kwarto nung boyfriend nya. Yun pala anniversary din nila nung isa pang babae ng ulupong nyang boyfriend. Tsk! Nakuuu! Pag talaga nakita ko yung lalaking yun? Makasapak lang ako ng isa okey na ko! Hinayupak na yun! Lakas ng loob na lokohin yung kaibigan ko. Akala mo naman gwapo. Eh ang laki laki naman ng panga nya! Sobrang tangos pa ng ilong. Parang witch." Feeling ko anytime uusok na ang ilong nya. Galit na galit sya. Napalunok ako ng sunod sunod.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon