Chapter 53

1.1K 26 0
                                    

Alex P.O.V

Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko. Para silang mga bata. Tss

"HAHAHA Yown! Solid brad!" Rinig kong sigaw ni lance na tumatawa pa. Kanina pa sya tuwang tuwa sa ginagawa ni prince kay Brent.

Wala sa loob na napailing ako. "Mga siraulo" bulong ko. Kampante naman akong walang nakarinig nun dahil lahat sila ay tutok sa dalawa.

Napatingin ako kayla Sheena,Love,Laurein at kylie.

Tama..

Lahat sila ngayon ay nakangiti.

Dati bihira kaming ngumiti. Tsk. Bakit kasi kami ngingiti? Eh wala namang nakakatuwa sa buhay namin.

Boring. Panay laban.

Paano kaya kung nabuhay kami bilang simpleng tao?

Yung nakakapunta kung san man gustuhin?

Yung maraming nakakasalamuha?

Yung hindi nangingiming magpakita ng ibat ibang emosyon sa iba?

Yung walang ginawa kundi magsaya,mag aral,Gumala at makipag kaibigan.

Yung normal na ginagawa ng mga tao sa edad namin.

Ngayon ko lang sila nakitang ngumiti ng ganito.

Ngayon ko lang sila nakitang ngumiti ng walang pag aalinlangan.

Napabuga ako ng hangin.

Kahit sa sarili ko. Ramdam kong nag e-enjoy ako dito. Kasama ng mga lalaking to.

Noong una ni hindi pumasok sa isip ko na magkakasundo sundo kami.

Na magiging sila Brent at Love pala. At... Liligawan ako ni prince.

Si prince..

Ibinaling ko ang paningin ko kay prince na nakangisi ngayon.

Bilang isang lider ng kinatatakutang grupo sa GW. Kinakailangan matapang ka. Yung tipong walang kinatatakutan?

Pero nagkakamali sila. Oo malakas ako. Pero takot ako.

Takot akong masaktan. Masaktan ng taong mamahalin ko.

Kaya ayokong magmahal e!

Ayokong mag take ng risk.
Alam kong pansamantala lang ang lahat ng meron kami dito sa pilipinas.

Alam kong darating din yung araw na aalis kami. Iiwan namin sila.

At ayokong magkaroon ng espesyal na ugnayan kay prince. Ayokong dumating yung oras na mahihirapan akong umalis. Mahihirapan akong iwan sya.

Aish! What the hell! Ano ba tong pinag sasabi ko?!

As if naman mai inlove ako dyan!

At dahil nagra ramble nanaman ang lahat ng iniisip ko.

Kelangan ko ng katahimikan.

At mukang sa lugar na to imposibleng mahanap ko ang katahimikan. -__-

Muli kong inilibot ang paningin ko. Mukang hindi naman nila mapapansing mawawala ako.

I hope so..

Peace of mind and heart. Yun ang kelangan kelangan ko.

Maingat akong lumabas ng kwarto. Wala ng gaanong istudyante. Marahil ay mga nakauwi na.

Good thing naisipan kong magdala ng sarili kong sasakyan.

Nagmaneho ako. bahala na kung san mapadpad.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon