Thristan P.O.V
"Hoy" Naramdaman kong kinalabit ako ni kylie.
Sinulyapan ko ang nakabusangot nyang muka ngayon. Tss. Problema neto?
"Ano?" Tanong ko sa kanya. Kainis, kanina pa ko naglalaway sa pizza eh. Ayaw mamigay tapos iiwanan lang naman dyan. Tss! Nang iinis talaga yung dalawang yun eh.
"Nasa bar daw kayo kagabi?" Napalingon ulit ako sa kanya sa narinig ko. Damn! Patay na talaga.
Lumunok ako ng makitang ang samasama nya makatingin.
"Uhm.. Ky.. biglaan kasi eh. Nagyaya langg si Lance" Kinakabahang pagpapaliwanag ko. Tinaasan lang nya ko ng kilay.
"Really?" Naniniguradong tanong nya. Sunod sunod naman ang naging pagtango ko."Lets drink later?" Tanong nya na ikinakunot ng noo ko.
"Why do you want to drink?" Naiinis ako. Kababaeng tao laklakera. Tsk.
Inirapan nya ako. "Wala" Nagkibit balikat sya "Gusto ko lang. Nakaka Miss eh" Tss. What the hell is that reason?
Ayoko. Pano kung malasing sya? Alam kong kaya nya ang sarili nya. But still I dont want to see her drunk.
"No" Matigas na sagot ko. Tsaka ibinaling ulit ang paningin ko sa mga walang muwang na pagkain sa desk ni Laurein.
"What?" Hindi makapaniwala ang boses nya. "Ayaw mo?" Tango lang ang isinagot ko sa kanya pero hindi ako nag abalang lingunin pa sya.
"Fine! Ako nalang mag isa"" inis ang boses nya. Hindi ko napigilang lingunin sya. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya na sinalubong naman nya.
"I said no Ky." Seryosong sabi ko. Hindi sya nagpatinag. Tinaasan pa nya ko ng kilay na ikinainis ko. Aish! Ang tigas ng muka.
"Am I asking your permission Mister?" Nakangising turan nya.
Para naman akong natauhan dun. Oo nga naman. Anong karapatan kong magbawal? Hindi nya naman ako tatay, kuya at lalong hindi nya ko boyfriend. Tsk.
"Bahala ka" Hindi na ko muling nagsalita.
Wala akong karapatang mag alala. Kayang kaya nya ang sarili nya. Walang mangangahas na bumastos dyan. Baka yun ang ikamatay nila.
Inilibot ko ang paningin ko. Napakatahimik ng kwarto. Palibhasa ay wala si Lance at Brent. Hindi na ko uma asang mag iingay si Ken at Prince lalo na kung ang kasama nila ay ang parehas ding tahimik na si Sheena at Alex. Nag aalala ako baka magkapanisan sila ng mga laway. Tss tss.
Napalingon ako sa pinto ng pumasok dun sila Love at brent na magkahawak ang kamay.
"San kayo galing?" Tanong ni kylie kay Love ng makaupo sila sa tabi namin.
"Sa Canteen. Bumili ng pagkain. Baka makain tayo ni brent e. Gutom na gutom na daw kasi sya" natatawang sabi ni Love.
"Oh? Lagi namang gutom yan. Anong bago?" Pagsingit ko. Natawa pa ko ng pinakyuhan ako ni Brent.
Sheena P.OV
Napailing ako sa ingay nila. Tsk. Pag talaga nagsama sama sila sumasakit ang tenga ko. Parang mga pinapalamon sila ng megaphone.
"Alam mo ba? Sila talaga ang nagbibigay buhay sa grupo namin." Biglang turan ni ken na akala ko ay busyng makinig ng music dahil naka earphone sya.
Ngumiti ako. "Halata nga"
Ngumiti sya pabalik tsaka ako tinitigan "you know what?" Kinunotan ko sya ng noo.
"What?" Inosenteng tanong ko.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?