Prince P.O.V
Maaga palang naka abang na ko sa tapat ng bahay nila alex.
Pinasadahan ko ng tingin ang marangyang bahay na nasa harapan ko ngayon."Napakalaki nito para sa kanila" Turan ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng mansion.
Bubusina na sana ako ng mapansin ko ang isang itim na Van na nakatigil din sa tapat nila Alex.
Nagtaka ako ng ilang minuto na ang pinalagpas ko pero walang bumababa galing sa kotseng yun.
Nanlaki pa ang mata ko ng makitang naglabas ng baril ang tao sa loob nun at walang habas na pinagbabaril ang bintana nila Alex.
Bababa na sana ako para makialam ng mapag isip kong mas mabuting makita ko kung sino ang nasa loob ng Van.
Ng sandaling mabasag nila ang Bintana sa unang palapag ng mansion nila Alex ay isang bato naman ang binato nila. Pumasok yun sa loob ng mansion.
Wala akong maintindihan. Nag aalala ako kela alex pero nagtataka din ako. Kung hindi ako nagkakamali. Death threat ang nakasulat sa papel na nakabalot sa batong ibinato nila kela alex.
"Sino ba kayo?Parang napakalaking misteryo ang bumabalot sa inyo"
Humaharurot na umalis ang Van ng makita kong tumatakbo si Alex para maabutan sila.
Kung nasa ordinaryong sitwasyon lang ako ngayon baka sipulan ko sya sa suot nya ngayon.
Naka sando at maikling short sya.
Seryoso ang muka nya ng tumigil sya sa pagtakbo at tumigil sa tapat ng kotse ko.
Pinag aaralan ko pa ang muka nya ng katukin nya ang bintana ng kotse ko.
Binuksan ko agad yun. Asarin ko na sana sya kaya lang walang ekspresyon ang muka nya habang nakatitig sakin.
"Nakita mo ba ang muka ng nasa loob ng Van na yun?" Bungad nyang tanong na inilingan ko lang.
huminga sya ng malalim. "Bakit nandito ka?" Kalmadong tanong nya. Nagkibit balikat lang ako.
"Dumaan lang ako" kinuha ko ang ginawa kong Cake na pinagpuyatan ko kagabi. Nagpaturo ako kay manang mag bake.
Tinago ko sa likod yun atsaka Umibis palabas ng Kotse ko. "Oh" Umiwas ako ng tingin ng kunotan nya lang ako ng noo.
"Ano yan?" Takang tanong nya.
"Cake?" Inosenteng tanong ko.
"Hindi ko birthday" Napangiwi ako. Damn. pag ba nagbigay ng Cake birthday agad?
"Tss" Angil ko. "Ayokong magbigay ng Chocolate dahil ayaw ng mga babaeng tumaba. Ayokong magbigay ng Flowers baka itapon mo lang yun. Kaya nagpatulong ako kay manang na gumawa ng Cake. Sabi kasi ni love mahilig ka daw sa Cake."
"Ah.." Gusto kong mainis ng talikuran nya ko. Pero napangiti ako ng magsalita sya "Tara sa Loob. Nagbe breakfast kami. Sabayan mo kami" tsaka sya naglakad ulit papasok sa Mansion.
Napailing ako.
Tinadtad ng bala ang bintana nila kanina. it means Nagbe breakfast lang sila nun? Hindi manlang ba sila nagulat?
Tsk. Yung nakita kong ibinato. Im sure merong mensahe para sa kanila yung tao sa loob ng Van. Paano nila nagagawang kumalma knowing na may nagbabanta sa buhay nila?
"Uyy Prince! Aga mong manligaw ah" Pilit na ngiti ang sinukli ko kay Love.
Paano nila nagagawang ngumiti na para bang walang nangyare?
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?