Chapter 34: Moment (AlexPrince)

1.5K 37 0
                                    

Alex P.O.V

"Bakit ba tayo nandito ?" Walang ganang sabi nung maarte kong kasama. Nandito kasi kami ngayon. Naggo grocery. Para dun sa mga bata at sa mga tao dun. Ganto talaga kami. Once na pupunta kami dun. Nakasanayan na naming dalhan sila ng mga pasalubong na laruan at grocery.

"Alam mo ? Ang dami mong tanong. Pwedeng manahimik ka nalang ?" Sagot ko sa kanya. Pero di na ko nag abalang tingnan pa sya.

Prince P.O.V

Nakasunod lang ako kay Alex. Tsk. Nakakainis. Kung alam ko lang na aso ang peg ko dito sana hindi nalang ako sumama. At eto pa ah. Kanina ko pa kasi napapansin na sinusundan ako nitong mga bakla sa likod ko. Bwisit talaga.

"Sis. Lapitan mo na si papang pogi. Mukang mag-isa lang naman sya oh"

"Iihhh.. Nakalahiya"

"Hoy bakla. Ang arte mo ah. Ako nalang lalapit bahala ka."

Ng maramdaman kong papalapit na sila. Binilisan ko ang paglalakad ko. Sana maabutan ko si alex.

Anak ng ! Nasan na ang babaeng yun ? Aish ! Nakalimutan ba nya na may kasama sya ? Tsk.

"Hi Pogi" eto na nga ba sinasabi ko e. Bwisit talaga.

"Kelangan nyo?" Malamig na sabi ko. Sana madala sila. Kaya lang hindi effective.

"Kyaaa. Hot mo papa. Mag isa ka lang ba ? You want some company ?" Tanong nya sakin.

"No thanks" saka ko sila nilagpasan. Kaya lang ayun. Nakasunod parin sila.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon