Laurein P.O.V
Hindi ko rin alam kung bakit kailangan pa naming pumasok. Aalis din naman kami.
Walang kaemo-emosyon ang mga kasama ko, Bumalik nanaman kami sa dating kami.
Hindi ngumingiti.
Parang walang buhay.
Hays.. Kung ako ang tatanungin parang mas gusto kong magmukmok sa mansyon kesa pumasok.
Naglalakad kami ngayon papunta sa class room.
Nakarating kami ng classroom ng walang nagsasalita. Napabuntong hininga ako,
Here he is..
Staring at me.
Hindi ko sya mabasa, Hindi ko alam kung anong iniisip O nararamdaman nya.
Ako na ang umiwas ng tingin. Late kami kaya lahat ng atensyon ay nasa amin.
Dire diretcho kaming pumasok sa kwarto na hindi manlang nag excuse sa prof. Why bother? Kami naman ang nagpapasweldo sa kanila. Tsk
Naupo ako sa likuran nya. Gusto ko syang titigan hanggang sa matapos ang araw na to.. pero alam kong mararamdaman nyang nakatingin ako sa kanya.
Hanggang sa matapos ang klase ay naka ub-ob lang ako sa desk ko. Namalayan ko nalang na lunch break na ng kalabitin ako ni Love.
Tumunghay ako. Tsaka ko lang napansin na kami nalang ang tao sa room. Kahit sila Lance ay wala na.
"San tayo?" Tanong ko. Isang kibit balikat lang ang sinagot sakin ni love at tumingin kay alex na kagigising lang din.
"Canteen" Turan nya tsaka tumayo na. Sabay sabay kaming lumabas ng room at tinungo ang canteen.
Ayoko sana dito. Kaso gutom na ako eh. Kagabi pako hindi kumakain.
Nasa entrance palang ako ay parang gusto ko biglang bumalik sa room at tiisin nalang ang gutom ko.
Bakit?
Nakita ko lang naman ang lalaking mahal kong may kalandian.
The fvck!
Who the hell is that bitch!
"If glare can kill. Baka kanina pa patay yan" Bulong sakin ni Kylie. Inirapan ko lang sya at taas noong pumasok sa Canteen.
Nakuha ko naman ang atensyon ng lahat. Even the bitch. Ugh!
Nagkasalubong ang mata namin ni Lance pero agad din nya itong iniwas. Hindi lang naman sya ang may babaeng kalandian eh.
Lahat sila!
Nakaka tangina!
Padabog akong umupo sa mesa namin. Ewan ko ba, Lagi tonf bakante. Kaya lagi kami dito nakapwesto.
Ang kaso.. Katapat pa ng mesa na to ang mesa nila.
Oh Ghaaad! Kairita ang malanding tawa ng mga babae nila. San ba nila napulot ang mga yan?
Alam na ng mga staff dito kung ano ang lagi naming ino-order kaya hindi na kami nag aabalang umorder pa.
"Hihi Ano ba Lance nakikiliti ako"
"Haha Sorry Belle. I cant stop smelling you. You smell like strawberry"
Napakuyom ang kamao ko. What the fuck is that?
Nag aamuyan sila?!
"Pigilan nyo ko, Baka mapatay ko tong babaeng to" Gigil kong sabi. Nginisihan ako ni Love samantalang nanatiling tahimik sina sheena.
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?