Chapter 65

1.2K 34 0
                                    

Sheena's P.O.V

"Kanina pa parang malalim ang iniisip mo ah? May problema ba?" Bulong sakin ni ken na ngayon ay kasabay kong naglalakad. Lunch na kasi at kasalukuyan kaming papunta sa canteen.

Umiling lang ako bilang sagot. Ang totoo ay nararamdaman kong may nakamasid samin. Dalawang kilometro mula dito,

Hindi ko alam pero bigla along kinabahan.

Nakarating kami sa Canteen, nagpresinta naman si Ken na sya nalang ang bibili ng pagkain ko. Hinayaan ko na lamang sya. Yung mga lalaki Lang ang tumayo para umorder ng makakain namin.

"Grabe Kylie! Hindi talaga ko makapaniwalang kayo na ni thristan! Seriously? Bakit ang bilis?" Parang gusto Kong pasakan ang bunganga ni love sa ingay nya.

Nagkibit balikat lang si Kylie sa kanya. "Cassanova kami pareho, Sanay kami sa mabilisan" inungusan Lang sya ni Love samantalang tumatawa Lang si Laurein sa kanila.

Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang mga lalaki dala ang pagkain namin. Pero ipinagtaka ko na walang kahit anong inumin ang mga dala nilang tray ng pagkain.

"Uh.. bakit walang Juice bi?" Takang tanong ni Love Kay Brent.

"Ah. Sabi kasi nung tindera ihahatid nalang daw dito" Mas ipinagtaka ko yun. Kahit kelan ay Hindi hinahayaan ang mga tindera dito na mag serve sa mga istudyante. Self service dapat, nasisiguro ko yun dahil kami ang gumawa ng rule na yun. Ayaw naming may masigaw sigawan na nagse serve. Hindi kami nagtotolerate ng ganung attitude dito.

Nagkatinginan kami nila Laurein.  Something is wrong here.

Hindi rin nagtagal ay may dumating na isang matandang babaeng dala ang mga Juice namin sa isang tray.

Isa isa nya yung nilapag sa tapat namin. Nakangiti pa sya samin kaya hindi maaaring i judge ko sya ng ganon ganon nalang. Isa lang syang matanda na dapat ay nagpapahinga nalang ngayon.

"Nay. Salamat po" Magalang na turan sa kanya ni love. Ngumiti at tumango lang ito sa kanya 

"Pasensya na kayo at nahuli mga ija at ijo ha? Iyong bagong manager kasi ay may ipinagawa sa amin eh. Sya ang naghanda ng mga ito. Sabi nya lang sakin ay ako na ang magdala ng mga inumin nyo rito, pasensya na talaga" Now. This is so damn suspicious. How come na may bagong manager ang canteen na hindi dumadaan samin?

"Okey lang po yun nanay" Si Kylie naman ang umalalay sa matanda hanggang sa makabalik sya sa pwesto nya.

Matalim kong tinitigan ang mfa Juice sa harap namin. Kung tama ang hinala ko kumikilos na sila. Dahil may kahina hinala ng nangyayare sa paligid ko,

Nagsimula silang kumain, Katulad ng dati maingay pa din, nagpanggap akong kumakain. Pero ang totoo ay nakikiramdam ako. Alam kong may nagmamasid. Kelangan ko syang mahuli.

"Guys. CR lang ako." Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dali dali akong pumunta sa pinagkukublihan ng taong kanina pang nakamasid samin.

"Who are you?" Dahan dahan nya kong nilingon. Lalake sya. Hindi pamilyar ang mukha nya sakin.

Humakbang ako pasulong papunta sa kinatatayuan nya. "Tell me. Sino ka?!" Pag uulit kong tanong. umatras sya ng umatras haggang sa mapasandal sya sa puno. Nasa tagong lugar kami. Kaya malaya kaming makakapag usap dito,

Inilabas ko ang katana kong ginto, Lagi ko tong dala incase na mapalaban ako. "Magsasalita ka O mananahimik ka habang buhay?" Gigil kong sabi saka idinikit sa leeg nya ang matulis kong katana. Ramdam ko ang panginginig nya.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon