Chapter 41

1.4K 34 1
                                    

Love P.O.V

Madilim na ng magpa alam kami sa mga bata. Sobrang saya ko ng makita ko ulit sila.

Kasalukuyan kaming inihatid nila sister grace sa gate. Kung saan nakaparada ang mga dala naming sasakyan.

"Maraming salamat sa pag bisita. Aasahan namin ang pagdalas ng dalaw nyo. Bumawi kayo sa mga bata sobrang na miss nila kayo" pagpapasalamat samin ni sister grace na may maliliit na ngiti sa labi. Napatawa nalang ako.

"At sa inyo mga ijo. Maraming salamat din." Dagdag pa nya. Tukoy sa mga lalaking kasama namin.

"No problem sister. Dadalasan din namin ang pagbisita dito" napangiti ako. Boyfriend ko yan! Hihi

"Haha Mabuti kung ganon. Oh hala. Magsi uwi na kayo at gabi na delikado"

Miski sila sister hindi alam na mga gangster kami. Nananatilung sikreto ito. Hindi na nila kelangan pang madamay.

"Sige po sister. Alis na po kami pero pumasok na po kayo. Kaya na po namin to" seryosong sabi ni alex.

"Osige. Ingat kayo" muli syang ngumiti at kumaway saamin bago pumasok sa gate at isarado ito.

Nagkatinginan kaming lahat. Wala nga pala dito ang mga sasakyan ng mga lalaki. Naiwan nga pala sa university.

"Sakin na kayo sumabay mga pre. Dala ko kotse ko" nang aasar na sabi ni lance. Oo nga pala. Pinakuha nya ang sasakyan nya sa butler nila.

"Yown! Ayoko ng sumakay kay kylie mapapabilis ang buhay ko dyan sa babaeng yan! Napaka kaskasera." Natawa nalang ako ng mapanguso si kylie sa pang aasar sa kanya ni thristan. I wonder kung pano sila nagkasundo

"Duwag ka lang talaga!" Pang aasar din nya dito. Makikisali na sana ako sa asaran nila ng may maramdaman akong pumaikot sa bewang ko. Kelangan ko na sigurong masanay sa mga ganito.

Kinilabutan ako ng bumulong sya sakin. "Bagay sila no girlfriend ko? Parang tayo" hindi ko alam kung kikiligin ba ko sa banat nya o matatawa dahil sa sinabi nyang bagay sila thristan at kylie. Eh puro asaran lang ang dalawang yun e.

My Gangster Princess<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon