Laurein P.O.V
Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay agad na bumungad sakin sina sheena na mga naka halukipkip.
Uhm.. Ow..key? May kasalanan ba ko? Hindi ba dapat sila ang mag sorry sakin dahil iniwan nila ko sa school?
Kulang sila..
Wala si Love -____-
"San ka galing?"
"Walk out Queen?"
"Late na ah"
Sabay sabay silang nagsalita. Tsk. Ganyan naman sila eh. Ginagawa akong baby porque isip bata daw ako. Tss.
"Teka teka lang! Time first muna ha? Isa isa lang pwede?" Pagpapakalma ko sa mood. Para kong hahatulan ah. Tsk. Kaya ko naman ang sarili ko kahit kabihin man ako sa labas. Ano pat naging isa ko sa mga gangster princesses?
"San ako galing? Sa Likod ng Campus. Nagpahangin lang ako" sagot ko sa unang tanong na galing kay alex. "Walk out queen? No Kylie. Im not queen. Si alex ang queen dito. dapat Walk out Flower! Shonga mo brad" sagot ko naman kay kylie. "At kung bakit late na ko nakauwi? Kasi ang bwisit na si lance dumaan pa sa Jollibee para bumili ng pagkain. Gutom na daw kasi sya. Eh ang haba ng pila kaya napatagal."
"Nasagot ko na ba ang mga tanong nyo?" Dagdag ko pa. "Ngayon pwede ako naman magtanong? O kahit hindi pwede! Magtatanong parin ako! Bakit nyo ko iniwan dun ha?! Hindi nyo manlang ba naisip na wala akong magagamit na sasakyan pauwi? Hindi pati ako marunong mag commute dahil tanga nga ako sa direksyon! Buti nalang nandun si lance" hinihingal pa ko sa haba ng sinabi ko.
"Eh kung hindi ka ba naman abnoy. Sana nag text ka na hintayin ka namin dahil nag se senti ka pa diba?" Kylie said. Sarap hambalusin ng heels kong suot. Panira to ng drama eh! -____-
BINABASA MO ANG
My Gangster Princess<3
General Fiction5 Hot Gangsters Vs 5 Gangster Princesses. Anong mangyayare kung pagtagpuin sila?