"SAKAY! " sigaw sakin ni Van, pagkadating na pagkadating namin sa tapat ng car nya.
tumango nalang ako at sumakay, nakakatakot kaya itsura nya pag galit >.<
pabagsak nyang sinara yung pinto sa tapat ko tska sya sumakay sa driver seat.
huminga pa sya ng malalim bago iistart yung sasakyan, halatang galit na galit sya, nagtitiim yung mga bagang eh.. ano bang ginawa ko?
tahimik lang kami sa sasakyan, parang walang balak magsalita, kahit ako ayokong magsalita, natatakot ako baka bigla akong sigawan eh. kaya tumingin nalang ako sa labas.
"di mo ba natatandaan yung bilin sayo ni Tita?" sabi nya bigla. pero di man lang tumitingin sakin.
"a..alam ko." mahinang sagot ko
"EH BAKIT MO PARIN GINAGAWA?!" bigla syang sumigaw.
"So what?! so ikaw pwede tapos ako hindi?!" sinigawan ko na rin sya, nakakabwisit naman kasi eh
"anong ako pwede?! lalaki ako, kaya walang mawawala sakin. eh ikaw?! kung makadikit ka sa lalaki na yun, para kang higad!" what the?! higad!
ouch!
"so yan yung tingin mo sakin?! di sana hinayaan mo ako. tutal naman wala kang paki sakin diba?! at tska bakit mo sinuntok si allen?! wala syang ginagawa sayong masama Van!" tumingin na ako sa kanya
"sakin wala pero sayo meron! " ha?
"at tska akala ko ba walang pakialamanan? diba dapat magPAPANGGAP tayo na di natin kilala ang isat isa?! ano tong ginagawa mo!" bwisit!
bigla syang ngumisi .
"sabagay diba? bakit nga pala kita papakialaman eh wala naman akong pakialam dapat sayo kasi ikaw ang dahilan kung bakit di ako ikakasal sa babaeng mahal ko dapat! " bakit biglang para akong nasaktan sa sinabi nya. umaasa ba ako na dapat mahal nya ako? lecheng puso naman to, abnormal na ata!
"oo. kaya sana wala tayong pakialamanan. lumandi ka sa lahat ng babaeng gusto mo, and i'll do the same.!" pinipigilan ko nalang yung iyak ko para di nya mahalatang talunan na naman ako.
"Fine! " eh bakit sya galit? pinapalaya ko naman na sya ah.
tumahimik na kami. nung medyo traffic.
bigla kong binuksan yung pinto ng car nya, di ko na kaya naiiyak na ako eh :/
"saan ka pupunta?" sigaw nya.
"wala kag pakialam. " lumabas na agad ako.
"Yanna bumalik ka dito!" di ko sya pinansin. nag bubusina na nga yung mga sasakyan kasi ayaw pang paandarin ni Van. bahala sya!
hinihintay ko lang naman na habulin nya ako at amuin eh. gaya nang dati..
binabagalan ko yung lakad ko ...baka sakaling habulin nya ako.
pero isang pangungusap lang ang tuluyang nagpaiyak sakin.
"Fine. umalis ka. sana lang wag ka nang babalik." naramdaman ko nang biglang humarurot nya yung sasakyan nya.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Short UD muna :)
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊