Van Pov.
PAALALA : paalisin ang mga katabi dahil may mga nakakakilig na eksenang mangyayari hahahha XD
Gumising na ako nang maaga ngayon kasi may pasok pa pala, bwisit, ang sakit ng ulo ko, andami ko sigurong nainom kahapon, pero teka? sinong naghatid sakin dito? at tska bakit may bimpo at maliit na palanggana sa gilid nang kama ko? pero nakasuot parin naman yung damit ko. di kaya binantayan ako ni Yanna kagabi? pero naalala ko hinatid ako ni Kesha dito at ang huling natatandaan ko sinabi nya kay yanna na girlfriend ko sya! F*ck! nagkita sila ni Yanna!
napabalikwas agad ako ng bangon at bumaba baka andun pa si yanna.I need to talk to her, kailangang ipaliwanag ko na di totoo ang mga sinabi ni Kesha.
pero bakit ako magpapaliwanag? baka wala naman syang pakialam. Pag nagtanong na nga lang sya saka ko sasabihin na Ex ko yun.
hinanap ko si Yanna sa buong bahay pero wala.. kumatok ako sa kwarto nya pero wala na sya, ang aga naman pumasok nun ~.~
pumunta muna ako sa kusina, Pagbukas ko nang ref, nakita ko yung pizza and ice cream ! walang kabawas bawas..
biglang may naalala ako.. Oo nga pala, i promised her na mag momovie marathon kami.aissh.. napasabunot ako sa ulo ko.
naghintay kaya sya sa akin kagabi?
ang tanga tanga ko naman! baka umiyak na naman yun, iyakin pa naman ~..~
pag punta ko nang sala, andun din yung mga CD's. tsk! mamaya promised. magmomovie marathon kami :D
Yanna's POV.
maaga akong umalis kanina, ayaw kong makita si van, basta naiinis ako eh, kagabi napuyat pa ako kasi pinunasan ko pa yung mukha nya, lasing na lasing kasi, naginuman siguro sila ni Kesha..
siguro sila na. di naman siguro tama na lalapit pa ako sa kanya :'<
"Sexiana, anyare sa mukha mo bat parang ang lungkot mo dyan?" andito na kami ngayon ni maru sa room.
"wala.. inantok lang." sabi ko
"bakit pinuyat kaba ni fafa Van?" loko. ~.~ oo! pinuyat nya ako kakahintay.
"para kang sira maru!"
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊