Bago nya basahin may konting ipapaliwanag lang ako sa mga nagtatanong :)
Kung nagtataka kayo kung bakit natatakot parin si Yanna na malaman ni Van ang buong past nya is because hindi ni yanna nakwento ang lahat lahat kay Van. SInabi lang nya na naging liberated sya in a way na lagi syang umiinom at minsan na ring nakuha ang virginity nya nang ibang lalaki :)
pero di pa nya na inamin kay Van na nagalaw na sya nang maraming lalaki NOON. dahil nga sa natatakot sya na mandiri to sa kanya :) yun lang :b
sorry naguguluhan din kasi ako minsan sa natatype ko, yan nalang yung intindihin nyo thank you :* minsan kasi nakakalimutan ko na din yung ibang details dito :) salamat :)
Yan Basa na! mahaba haba yan ;)
~~~~~~~~~~~~~~~~'
Andito kami ngayon sa Parking lot kung saan nandoon yung sasakyan nya, nakatalikod sya sakin ngayon habang nakahawak yung isang kamay nya sa sasakyan at nakayuko, pinasok rin nya yung mga pinamili ko sa loob ng sasakyan.
Nandito lang ako nakatayo at nakatingin sa likod ni Van, natatakot akong lapitan sya, natatakot akong magpaliwanag sa nakita nya kanina dahil baka sigawan na naman nya ako.
napagpasyahan kong lapitan na sya, hinawakan ko yung braso ni wako pero agad nyang iniwas yung kamay nya at biglang sinuntok yung sasakyan dahilan para mapaigtad ako sa gulat.
"Van *huk*" napapahikbi ako pero tinatakpan ko yung bibig ko dahil natatakot akong lalo syang magalit sakin, ibang ibang Van ang nakikita ko ngayon at alam kong punong puno ng sakit yung nararamdaman nya ngayon.
"Kelan pa Yanna. kelan pa kayo nagkikita ng gagong kalandian mo noon?" Pa...paanong nalaman nya ang tungkol dun?
"Van..." Tawag ko ulet sa kanya , bigla syang humarap sa akin, at kitang kita ang matinding galit sa kanya
"KELAN PA!" umiling iling ako
"Van, matagal na yun, yung nakita mo kanina, wala yun... " pagpipilit ko sa kanya, pero halatang hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko
"Talaga? wala lang yung yakapan nyo kanina???" medyo sarcastic na sabi nya sakin.
"Van wala nga yun *huk* Bigla lang syang lumapit sa kin, at kaya lang naman *huk* ako pumunta dun kasi maggogrocery ako.." medyo nauutal ko pang sabi dala narin siguro nang kaba na nararamdaman ko ngayon, nang takot. Pero mintras na maniwala sya sakin, ngumisi sya.
"Kelan kapa natutong mamili?" binuksan nya yung sasakyan at kinuha lahat ng pinamili ko, nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa yun
"eto ba? pinamili mo to? sinong niloko mo yanna?! ni di ka nga marunong magluto diba? gagamitin mo pang dahilan tong mga lintik na pinamili mo para matago mo yang ginagawa mo ! SHIT!" sabay bato nya sa gilid ko nang mga pinamili ko, lahat yun nagkalat kalat sa sahig. napaiyak na ako sa sobrang takot, sa sobrang kaba. Paano na yung plano kong ipagluto sya.
"Van, maniwala ka naman sakin oh *huk*" nilapitan ko sya pero iniiba nya yung direksyon nang tingin nya, halatang iniiwasan nya na magkatitigan kami, habang ako tuloy tuloy lang sa pag agos yung luha ko.
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊