yan muna uD ko ah?
nasingit lang sa dami ng ginagawa :)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~''
Yanna's pov
nagulat si Maru nung pagbukas nya nang pinto ako agad ang makikita nya, lalo pa't may dala dala pa akong maliit na maleta na sakto lang naman yung gamit ko.
"Oh Girl anong nangyari bakit dala dala mo yang maleta?" sabi ni Maru sabay turo sa maletang dala ko. actually 12 na nang gabi eh, kaya di nakapagtatakang magugulat talaga si maru na kakatok ako sa bahay nya ng dis oras ng gabi
"Kasi maru.."
"Hep hep! pumasok ka muna at mahamog, tsk masama yan sa mga preggy!" mataray na sabi nya sabay akay sa akin papasok nang bahay nya, bale yung bahay ni Maru walang second floor kasi sya lang naman mag isa dito eh.
umupo na ako sa sofa nya habang sya naman ay dumiretso sa kusina para ikuha daw ako ng Juice. pagkabalik nya agad agad syang nagtanong.
"Ano na namang nangyari ha? siguro nag away na naman kayo ni Van ano??" nakataas na kilay na sabi nito
"Hindi naman masyado pero..."
"pero ano?"
"nalaman kong kasama nya ngayon si Kesha, at tska tinawagan ko sya kanina tapos si kesha yung nag answer ng call ko. ang ibig sabihin nun, magkasama talaga sila!~" nangilid na naman agad ang luha ko, tumayo naman agad si Maru at hinimas himas yung likod ko
"Naku naman yang Van na yan! sure kabang si kesha talaga yun??" tumango tango naman ako.
"Talaga bang wala nang pag asang magbago yung lalaki na yun! sige i'll let you stay here, it's up to you kung babalik ka dun sa inyo o hindi. but one thing that i want you to do ay turuan ng lesson yang Fiancee mo. huwag mong laging pagbibigyan yan! lalo pa't buntis ka na Yanna. hindi na pwede yung mga ganung ugali!" napaisip naman ako sa sinabi ni maru, sige. hindi muna ako uuwi sa bahay, tutal naman andun sya sa babae nya. magsama silang dalawa.
"sige maru, thank you ha?"
"kahit tumira ka dito habang buhay, okay lang. " napangiti naman ako sa bestfriend ko. i'm so lucky na naging bestfriend ko to :)
tutal naman dalawa yung room nya kaya dun ako sa kabila, actually parang room ko na din to, kasi noon pa pag tinatamad akong umuwi dito na ako natutulog. na stop lang yun nung naging fiancee ko si van.
Mag isa nalang ako ngayon sa Guest room, habang nakahiga ay hinahawak hawakan ko yung tiyan ko na di pa halatang may laman dahil sa 2 weeks palang naman akong nagbubuntis.
"Baby, magiging masaya sana tayo kung wala si kesha no? Gusto ko sana na ipaalam sa daddy mo na dadating kana sa buhay namin kaso parang pag sinabi ko baka iwanan nya ako eh, kasi ako tataba na, papanget na ako, baka doon na sya kay Kesha. Natatakot lang naman si Mommy mo eh. At tska bakit ba nagsisinungaling si daddy mo na kasama nya si kesha? may ginagawa ba silang hindi ko dapat malaman? Sorry baby ah, pero hindi muna ako lalapit sa Daddy mo ha? gusto ko lang malaman kung may halaga ba tayo sa kanya ....
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊