VIDEO

8.5K 102 16
                                    

Maikli lang to ah? saglit ko lang ginawa :D

BTW. Congrats sa asawa kong si Mark Pingris HOHOHO :">>> #SANMIG

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'

Yanna's POV

Nakatulog ako kagabi na katabi ko si Mom, hindi ko sya pinaalis nang kwarto ko hanggat di dumadating si Van, kinapa kapa ko kung may katabi ako sa kama pero wala. dahan dahan akong dumilat dahil natatamaan nang sinag nang araw yung mata ko, may narinig akong kumakaluskos sa cr kaya tumayo agad ako at naglakad papunta dun.

"Van?" tanging sinasabi ko habang unti unting papalapit sa pinto. Isa lang ang tinatanong ng isip ko ngayon.  "Bumalik kaya sya?"

bago pa ako makalapit sa pinto ay bigla na itong bumukas at iniluwa si Mommy, i admit na nalungkot ako, pero ayaw kong magisip nang kung ano.

"Oh Baby, gising kana pala. mag CCr kaba?" tanong agad ni Mom.

"Yes Mom, uh... umuwi po ba si Van?" nagaalangan kong tanong, natatakot din kasi ako sa magiging sagot nya. pero sa isip ko hinihiling ko na sana umuwi si wako. miss na miss ko na agad sya, miss na miss na namin sya nang anak namin.. :C

"Anak.."  lumapit sakin si Mom at hinaplos ang buhok ko, nakakakita ako nang pagkaawa sa mukha nya and i know the answer to my question based on her expression.

ngumiti ako kay mommy, at dire diretso nang pumasok sa restroom, pagkasarang pagkasara ko, napahawak na agad ako sa bibig ko at tuluyang umiyak. iniiipit ko yung pagiyak ko, iniiwasan kong marinig nila. ayaw kong ipakita sa kanila na sumusuko na ako.

"Van *huk* diba mahal mo ako *huk* diba babalikan mo naman ako? kami nang magiging baby naten? *huk*  

Magpapakatatag ako, para sa anak ko, para rin kay van. Alam ko sa sarili ko na mahal nya ako, nakita ko yun sa paraan nang pananalita nya sakin, sa mga ipinapakita nya. alam ko nagseselos lang naman sya kaya nya ako iniwan diba? alam ko nagalit lang naman sya dahil sa sinabi ko kaya sya umalis diba? mahal nya ako. mahal ako ni wako. at yun ang panghahawakan ko hanggang sa huli. He promised me na ako nalang ang mahal nya, sinabi pa nga nyang nakalimutan na nya si Kesha , na  wala na talaga syang nararamdaman dito. Ngayon paba ako susuko, kung alam ko at nakakasigurado ako sa sarili ko na mahal ako ni Van?

inayos ko na ang sarili ko, naligo na rin ako at nagsuot nang maayos na damit. pagkababa ko naabutan ko si Tita at mommy na nagluluto.

"Good morning Mom *kiss* Good morning tita *kiss* "  hinalikan ko silang pareho, kitang kita ko sa mukha nila na they both shock. akala siguro nila magmumukmok ako sa room ko, iiyak nang iiyak. pero hindi. ayaw kong ipakitang mahina ako. i need to be strong para sa magiging pamilya ko. hanggat walang magpapatunay na sumuko na si Van. hinding hindi ako susuko. kailangan ko nang maging mature. tama na ang pagiging matampuhin at isip bata. narealize kong magkakababy na ako, hindi pwedeng manatiling ganun ang attitude ko.

"Good morning din hija, maupo kana. we cooked a pasta, diba favorite mo to?" sabi sakin ni Tita, i smiled at her. pagtingin ko kay Mom, ngumiti din sya sakin, alam kong masaya sya na di ako sumusuko :)

nagsimula na kaming kumain, at minu minuto tumitingin ako sa pinto, waiting for him. 

"Mom, paabot naman po nang Mangga."  inabot naman ni Mommy yung mangga sakin.

after a  minute.

"Mom yung suka po pala pakiabot tska yung ketchup."  napatingin naman na nakakunot si Mom, pero sa huli inabot din nya.  napangiti ako, kumuha ako ng platito at sinalin yung suka . sinawsaw ko doon yung maasim na mangga. and then triny ko naman na isawsaw sa ketchup. hmmm. sarap! 

She got me Twisted [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon