Sorry ngayon lang nakapagUpdate :)
practice na kasi kami ng practice para sa speech choir eh :) haha. halos lahat ng course kasi sa school makakalaban namin :"")
dami pang kuda eh haha.
BASA NA! ;)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~Natapos yung practice ng sobrang aga, siguro mga bandang alas kwatro palang ng hapon, maaga na silang dinismissed para daw medyo makapagrelax pa sila para sa laban bukas ng SAMSON UNIVERSITY at MONTENEGRO UNIVERSITY.
Nauna na si Maru na umuwi kanina kasi malapit na syang suntukin kanina ni Hanz eh haha, pilitin ba naman kasing mag selfie yung lalaki na yun, eh sobrang napakaseryoso nun sa buhay. magpapapyesta ako pag may nagpapicture yun na nakapeace haha.
andito kami ngayon sa sasakyan ni Van, busy lang sya sa pagdadrive at busy naman ako sa kakakain ng mangga na sinawsaw sa suka. RAPSA kaya! pinabili muna ni Van yung isang player bago kami umuwi eh haha.
"Yanna di kaba nasusuka o nandidiri man lang dyan? ang asim asim na nang mangga tapos isasawsaw mo pa sa suka." biglang sabi nya, napahinto naman ako sa pagnguya at tumingin sa kanya
"Hmm di naman, ang sarap kaya :3" sabi ko sabay lapit sa kanya ng isang manggang sinawsaw sa suka.
"Wako ayaw ko nyan" nilalayo nya yung mukha nya pero nilalapit ko naman yung mangga. sinasabi nya kasing di masarap eh masarap naman talaga eh. ayaw muna kasing tikman para malaman nya yung lasa :3
"Sige na..." nilalapit ko parin pero biglang prumeno yung sasakyan kaya napahawak ako sa seatbelt.
"SEE. muntik na tayong makabangga. tss" naiiritang sabi nya, parang nahiya naman ako sa ginawa ko kaya yumuko ako na parang bata, habang hawak ko parin yung maliit na hiwa ng mangga
" Sorry..."
akala ko sisigawan nya ako pero bigla nyang inagaw yung mangga sa kamay ko tapos biglang sinubo. nakatingin lang ako sa kanya at inaabangan kung ano yung magiging reaksyon nya, Magustuhan nya kaya? o susuka sya?...
"Wako?" tawag ko sa kanya, bigla nya kasing pinarada yung sasakyan habang ngumunguya.
nakita kong lumunok sya sabay lingon sa akin.
"Masarap naman pala wako eh" ngumiti sya sakin sabay halik sa noo ko, napangiti naman ako doon, akala ko galit na talaga sya sakin.
"Wako sorry kanina, nakalimutan kong ayaw mo palang maabala sa pagdadrive." tinap nya yung ulo ko
"okay lang. pasalamat ka mahal kita" kinurot ko naman sya sa pisngi, nakakagigil kasi eh
"aw wako, ang shaaket tama na.." naawa naman ako kaya binitawan ko sya.
natatawang pinaandar na ulet ni Van yung sasakyan, sana lagi nalang kaming ganito, masaya, walang problema. ang tanging ginagawa lang namin ay iparamdam sa isat isa kung gaano namin kamahal ang isat isa. nakatitig lang ako sa kanya ngayon habang nagdadrive. Narealize ko kung gaano ako kaswerte na mapapangasawa ko ang isang tulad nya, napakaswerte ko dahil sa dami nang babaeng nagkakagusto sa kanya ay ako ang napili nya <3
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊