Di na ako nakapag react after nun kasi tapos na yung time nila kaya kailangan na nilang lumabas nang room naming kasi may iba nang mag papakilala ulet
Ok. Hanggang ngayon tulala ako. Di ko na nga naririnig yung ibang pumasok na mangangampanya din.
“Girl tulala ka dyan? Masyado mo naming dinibdib yung kanina.”sabi ni Maru.
“ma..maru naguguluhan ako!”
“saan? Na inamin nya? Anong masama dun? Eh totoo naman ah”
“ewan ko. Sabi nya sakin diba walang dapat makaalam? Eh bakit nya sinabi! Anong gusto nyang mangyari!” nakakaASAR naman yun si van, so pag sya pwedeng magsalita tapos ako hindi
“malay mo, may gusto na rin yun sayo, and way nya yun para aminin sayo.. ayiee”
Sana nga…
Pero ayokong magassume.
Uwian na namin, inaayos ko na ngayon yung mga gamit ko.
“yanna mauuna na ako sayo ah?” biglang sabi ni maru
“Ha? Bakit?”
“Si Hera kasi yung girlfriend ni Allen tinawagan ako ngayon , umiiyak. Heartbroken ata tsk. Bat ba problemang problema ang Love ngayon”
“oh sige..itetext nalang kita.” Naghug na kami then umalis na si Maru, inayos ko na din yung mga gamit ko , ako nalang pala naiwan dito sa room >.<
Lumabas na ako nang may biglang nagsalita sa gilid.
“ang bagal bagal kumilos tss” paglingon ko
“Van!” sigaw ko
Napahawak sya sa tenga nya.
“Para ka namang nakakita nang multo tsS”
“eh bakit ka kasi andito?” tinaasan ko sya ng kilay
“susunduin ka.” Weh? Muka nya
“NO. dun ako uuwi kay Maru.”
“Umuwi kana kasi..” ako? Pinapauwi nya? Bakit nagaalala ba sya
“a…yoko,wala ka namang pakialam sakin diba?!”
Sabihin mong meron :’<
“Ako wala. Pero sila Mommy at Tita meron.” Sabi nya, psh. Sabi ko nga :’<
“pa..,kisabi sa kanila Ok lang ako kila maru.” Aalis na dapat ako nang hinawakan nya yung Braso ko
“alam nila na umalis ka, at pag di ka daw bumalik, babawiin nya pati sasakyan ko!” sigaw nya. So dahil lang sa sasakyan kaya binabaan nya yung pride nya na puntahan ako? WOW
“NO.” sabi ko
“Ganyan kaba ka selfish?! Dahil sa pagiging isip bata mo!” ako pa ang selfish? :/
“Fine! “ sigaw ko sabay talikod sa kanya, nagbabadya na naman kasi tong luha ko eh
Lumakad na agad ako sa sasakyan nya, tinext ko na rin si Maru na babalik na ako sa bahay ni Van.
Tahimik lang kami sa sasakyan ngayon, kanina pa kami nakaupo pero di naman nya pinapaandar yung sasakyan, may kung ano syang hinahanap sa Bag nya.
“OH. “ bigla syang may hinagis na envelope sakin.
“ano to?” masungit na tanong ako
“Tignan mo nalang. Tss.” Sungit talaga.
Inopen ko nalang yung envelope, may isang papel na nakalagay dun.
Nagtatakang tumingin ako sa kanya.
“kasunduan naten yan, hanggat di naten sila Mommy napapapayag na wag ituloy yung kasal.”
OK. Desidido talaga sya.
Rules:
Pwedeng makipagdate but di pwedeng makipagrelasyon sa iba.
Walang pakialaman . *Privacy*
“dalawa lang?” sabi ko
“yes. May gusto kabang idagdag?”
Oo meron, yun ay yung mainlove ka din sakin :’<
“wa..wala na.”
“then pirmahan muna.”
Tumango ako at pinirmahan yun, inabot ko na sa kanya, binalik na nya sa Bag nya yung envelope at nagdrive na sya pauwi.
siguro nga hanggang dito lang kami.. FRIENDS. at di na hihigit dun X')
BINABASA MO ANG
She got me Twisted [Under Revision]
General Fiction[Under Revision] PLEASE DONT READ MUNA. BAKA MAGULUHAN KAYO SA STORY HAHA 😊