Update

9.1K 116 9
                                    

Eto na po yung update :)

alam ko naiirita kayo kasi andaming nakakabadtrip  na scene. pero ganun talaga "D

Hindi naman mawawala sa mga story yun.

Malapit nang mag 600k reads. Look up Look up shake shake shake! hahahah XD

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Van POV

nagising ako dahil hindi sa sikat nang araw kundi sa ingay ng buong bahay! GROWL ata ng exo yung pinapatugtog at talagang todong todo yung volume ~ nasaan ba ako! 

babangon na sana ako ng naramdaman kong ang sakit ng ulo ko, puchang hang over naman to tsk. wala na akong naalala kagabi pagkatapos kong uminom at umiyak nang umiyak dun sa pinagdalhan sakin ni Hanz.

dinampot ko yung cellphone ko, maraming nagtext at lahat nagtatanong why i have to cancel the engagement party.

Oo noong una kinancel ko lang yun dahil sa sitwasyon namin ni Yanna na pareho kaming magkaaway, ang panget naman na matutuloy yung engagement party na parehong naiinis kami. Gusto ko na sana sa araw na yun masaya kami. Yun naman ang dahilan ko eh, hindi naman talaga pumasok sa isip ko na itigil yung engagement party dahil hindi ko sya mahal. Ang tanga tanga ko kung yun ang magiging dahilan nang pagcancel ko.  Pero nung nakita kong magkalapit halos ang mukha nila nung hayup na Paulo na yun, narealize ko ang lahat lahat. Meron pa nga ba silang connection sa isat isa? kung hindi eh bakit pa sila nagkita! hindi naman ako masisisi na magisip nang ganun dahil alam ko na may nakaraan sila. 

Okay na eh. makikipagayos na ako sa kanya dapat. sinundan ko sya nang araw na yun sa mall para magsorry. bumili pa ako nang singsing mismo sa mall na iyon para isurprise sya, gusto ko ulet na magpropose sa kanya sa harap nang maraming tao, GUSTONG GUSTO KO. pero nung nakita ko sila ni di ko na alam kung saan ko nabitawan yung singsing na yun. ang alam ko nalang nang mga panahong iyon ay kailangan kong makuha sa kanya si Yanna.

Mahal na mahal ko sila nang anak ko in a way na di ko kaya na mawala sila sa buhay ko, nasasaktan din ako. Mas nasaktan ako sa mga salitang binigkas nya kila Mommy. bakit nya ginawa yun? yun ang bagay na hinding hindi ko maintindihan. bakit nya sinabing HINDI NYA AKO MAHAL. 

tumayo na ako at naghilamos, suot suot ko parin pala yung suot ko kagabi, bahay pala ito ni Hanz. black yung ding ding nang room eh malamang sa kanya nga to tss. habang bumababa ako sa sala ay rinig na rinig ko na ang ingay ng mga tugtog. ganito ba talaga dito?

naabutan ko yung isang babae na nagluluto dun sa kusina at nakasimangot, sya yung maid ni Hanz. sa pagkakaalam ko mayaman naman talaga tong babae kaso nga namatay ata yung parents nya sa isang plane crash tapos ang nagalaga sa kanya ay yung parents ni Hanz. hanggat di pa sya nakakagraduate sa college yung parents muna ni hanz yung magaasikaso nang lahat. Pero ayaw nitong maid na tumira ng libre sa bahay nila Hanz kaya sabi nya gusto nyang makatulong kahit papano, at itong gagong kaibigan ko sinabi sa parents nya na gusto nyang maging maid to, syempre sa simula ayaw nung parents nya pero nagbanta to si Hanz na ayaw nyang mag aral pag di sya pinagbigyan, dala na rin ata ng konsensiya nung Maid ayun napapayag. Di naman sya yung actual na maid talaga, yung task lang naman nya ipagluto at tska tulungan sa pagaaral tong adik na to >.< isip bata! tss

"Hi.."  mahinang sabi ko sabay lapit doon sa babae, she looks so innocent kung titignan. pero sabi nung tropa ko mas brutal pa daw to pag nagalit kay yanna :)

She got me Twisted [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon