maru's cupid operation

20.4K 213 19
                                    

Nakakabadtrip talaga sya! nakita na ako di pa huminto, at tinuloy pa talaga! Girlfriend nya kaya yun? hmp. siguro kaya nya ako sinusungitan, kaya nya sinusumbat sakin na ipapakasal kami kasi may girlfriend pala sya. e di sana sinabi nalang nya diba? 

matawag na nga lang si bessy, malamang andito na yun.

Maru's POV

Yun oh! nagka POV din ang dyosang tulad ko. Dyosa nang mga kabayo. :b

ako nga pala ang bestfriend ni Yanna since grade 3 palang kami. nakita ko kasi yang umiiyak sa botanical garden ng school, pinigtas pigtas ba naman yung mga bulaklak. Maldita diba? tas yun nilapitan ko sya tinanong ko kung bakit sya umiiyak, yun pala iniwan daw sya ng Guy bestfriend nya. akala mo naman namatayan ng asawa kung makangawa asus!

nung una pa nga ayaw nya sakin kasi daw bakla ako, panget. Pero tignan mo naman ngayon, para na kaming magkapatid. pinagtanggol nya kasi ako nun sa mga nangbubully sakin. kahit pala maldita to may mapaggagamitan din yung katarayan nya. 

and now alam kong sobrang happy yan kasi bumalik na yung bestfriend nya, at ang hot hot pa ni papa Van diba? kung di ko lang bessy yan, matagal ko nang sinunggaban yan eh :b

nagulat nga ako nung nalaman ko na Fiancee na nya yun. ! si Yanna na swerte XD

kanina nung sinabi ko kay Yanna about dun sa nakita ko si Van kasama yung isang babae, feeling ko natigilan sa kabilang linya si Yanna eh, siguro nagselos yun. ayaw pa kasi aminin eh.

*Kriinnngg*  pssh tumatawag na si yanna :)

"Hi bessy"  sabi ko sa maarteng pananalita.

"nasaan kanaba? kanina pa ako paikot ikot dito. ang init init na eh"  arte talaga! pero lab ko yan XD hoy di ako nagiging lalaki ah.  

aha nakita ko na sya! at nakasalubong na naman yung mga kilay. sus nakita ko rin naman sya kung paano sya makatingin kay van habang hinahalikan yung girl eh. selos na ayaw pang aminin hihi

"HI Bessy!"  biglang sabi ko sabay yakap sa kanya. nagulat naman sya

"OMG Maru! bigla ka nalang sumusulpot! " napahawak pa sya sa dibdib nya

"haha.. i'm sorry , nakasalubong na naman yang kilay mo kasi?! is there any problem my dear bessy?"

"wala.. naiinitan na kasi ako! tara na!"  hinilla na nya ako. este kinaladkad.

nainitan sa araw oh. Mainit ang ulo dahil sa nakita kanina? *grin*

Yanna pov.

andito na kami sa room ni bessy at kanina pa nya ako kinukulit kung bakit mainit daw ulo ko. ayaw ko nga sabihin yung nakita ko kanina, baka kung ano na naman isipin nito eh. pero nakakbwisit talaga yung Van na yun grr,,

kung sya pwedeng may babae, ako din dapat!

"Yanna break time na! punta tayong canteen?"  sabi ni Bessy..

"sure, i'm hungry na rin eh, uhmm bessy may tatanong ako."  sabi ko

" ano yan Yanna.. umayos ka ah? baka kalandian na naman yan!"  kilala na talaga ako nito hehe

"diba sabi mo , marami kang kilalang boys dito? pwede mo ba akong ipakilala? uhmm.. kahit sa isa lang, naboboring kasi ako e please *pout kiss*

"Manahimik ka!"  parang nanay naman to

"Maru please *pacute*"

She got me Twisted [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon