Chapter 3

3.4K 51 2
                                    

"Ano nga pala ang pangalan mo iha?"

"Ako po si Angela."

"Ilang taon ka na?"

"Sampung taong gulang po."

"Ah okay." nabakas muli ang kalungkutan.

"Eh kayo po? Ano po pangalan niyo? At bakit po kayo nagpunta sa baryo namin? Bakit po mag isa lang kayo dito sa napaka laking bahay?" sunod-sunod na tanong ni Angela.

Ngumiti ito at nag simula ng magkuwento.....

Madaling araw palang ay nag hahanda na ako para magtungo sa probinsiya upang dalawin ang mga taong pinaka mamahal ko. Isang taon narin nung huli akong dumalaw sa kanila.

"Madam Elena nakahanda na po ang kotse." sabi ng driver ko.

"Sige manong susunod na ko."

May dinaanan kaming tindahan ng mga bulaklak at bumili ako ng dalawang klase. Bago magtanghali ay nakarating na kami sa aming paroroonan. Tinulungan ako ni Mang Simon para linisin ang paligid ng dalawang puntod. Ang isa ay sa asawa ko at ang isa ay sa anak kong si Eden.

Saglit itong huminto sa pagsasalita upang punasan ang mga luhang pumatak sa magkabilang pisngi.

"Pasensiya ka na iha nalulungkot lang talaga ako pag naaalala ko ang mag ama ko."

Inalis namin ang mga damong tumubo sa paligid at winalisan at pininturahan namin ng kulay puti ang kanilang libingan.

Ipinatong ko ang mga bulaklak sa ibabaw ng kanilang puntod. Sa tuwing maaalala ko ang ngyari noon ay hindi ko maiwasang maluha...

"Ano po ba ang ngyari sa asawa at sa anak ninyo?" tanong ni Angela.

Sampung taon na ang nakalilipas ng maaksidente kami habang papunta sana sa isang masayang bakasyon.

Asawa ko ang nagmamaneho ng sasakyan at kami ng anak ko ay magkatabi sa likuran. Ninais namin na sa gabi bumiyahe para makaiwas sa traffic at para sa umaga ay nandun na kami sa beach resort sa San Antonio. Payapa naman ang daan, walang masyadong sasakyan kaya maluwag ang kalsada. Habang tinatahak namin ang daan ay nagulat nalang kami ng biglang may nakasalubong kaming 10 wheeler truck na napakabilis at iniwasan ito ng asawa ko. Akala ko ay ligtas na kami ngunit nawalan ng preno ang sasakyan namin at sumalpok kami sa napakalaking puno. Nakita kong duguan ang ulo ng asawa ko at ang anak ko naman ay tumama sa gilid ng basag na bintana at wala naring buhay. Pinilit kong tumayo at humingi ng tulong.

May nakita akong isang maliit na kubo, papalapit na ako ng may makasalubong akong mga pulis at agad nila akong tinulungan at dinala sa ospital. Pagdilat ng mga mata ko ay sobrang sakit ng ulo ko. May bandage ako at medyo nahihilo pa. Tinanong ko yung pulis na nagbantay sakin.

"Sir nasan po ang asawa at anak ko?"

"Sa inyo ho ba yung kotse na bumangga sa puno?"

"Oho, kamusta na po yung asawa at anak ko?"

"Nako misis pasensiya na ho pero hindi ho sila nakaligtas. Ano ho ba ang naaalala niyo?"

"May nakasalubong kaming truck pero nakaiwas kami pero bumangga kami tapos nakita kong duguan ang mag ama ko." hawak ang ulo habang inaalala ang mga pang yayari.

"Alam nyo ho bang may tricycle na bumangga dun sa truck? Ayun minalas rin at yung nagmamaneho naman ng truck ay mabilis na nakatakas!" kwento ng pulis.

Hindi ko na napigilang umiyak at sumigaw halos magwala na ako sa loob ng emergency room kaya nilapitan ako ng doctor at tinurukan ng pampakalma.

Matagal akong nagluksa at gusto ko narin sumunod sa kanila tutal wala naring silbi ang buhay ko dahil wala na ang mga taong pinakamamahal ko. Pero may takot ako sa Diyos at alam ko na siya lang ang may karapatang bumawi ng buhay ng tao. Binuhos ko nalang ang buhay ko sa pagtulong sa kapwa at pagsisilbi sa simbahan.

Buong araw kami sa sementeryo at ng maghahating gabi na ay naisipan ko ng umuwi kaya't niyaya ko na si Manong. Habang nasa daan ay nakita nga kita na naglalakad sa gitna ng dilim at umiiyak.

"Ng makita kita ay naalala ko ang anak kong si Eden dahil kasing-edad mo lang siya ng kunin siya sakin."

"Sa kanya po ba itong kuwarto? pati tong mga damit at sapatos?" Tanong ni Angela.

"Oo sa kanya ang lahat ng iyan pero kung gusto mo sayo nalang." nakangiting niyakap ang kausap.

"Eto nga pala si Eden at ang daddy niya." iniabot ang picture na naka frame.

Maganda, mahaba ang buhok, maputi, bilugan ang mga mata, matangos ang ilong, mamula mula ang pisngi at may napaka tamis na ngiti at ang daddy naman nito ay isa palang foreigner.

"Siguro po miss na miss niyo na sila....ako rin po miss na miss ko narin ang nanay ko." biglang nalungkot at napatingin sa labas ng bintana.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon