Chapter 14

2.3K 31 3
                                    

Narinig ni Angela na may kumakatok sa pinto. Hindi niya alam ang gagawin dahil ayaw niyang may makakita sa kanya na ngayon ay kalahati na ang katawan. Lumipad siya palabas ng bintana at sinilip sa di kalayuan kung sino yung nasa labas ng bahay.

Natanaw niya ang isang lalaki na palapit sa kotse at aktong sasakay na ito ng makilala niyang si Anton iyon. Sinundan niya ang sasakyan ngunit nagdalawang isip siya.

"Hindi ko kayang saktan si Anton....." at umiwas na siya ng paroroonan.

Mabilis na nawala sa kanyang paningin ang kotse kaya nagpatuloy nalang siya magpalipat lipat sa mga puno. Sa di kalayuan ay may nakita siyang matandang lalaki na naghahalungkat ng basura. Isang pulubi na naghahanap ng makakain sa loob ng basurahan.

"Rarrrrr!!!"

Napatulala ang matandang lalaki ng makita niya sa kanyang harapan ang isang halimaw. Sinubukan nitong tumakbo ngunit dahil paika ika na ito ay mabilis siyang naabutan at dinamba ang walang kalaban labang pulubi.

"Saklolooooo!!! tuloooonggggg......." taas ang isang kamay bago tuluyang malagutan ng hininga.

Ang ikalawang biktima ni Angela ay isang kawawang pulubi.......pinagmamasdan ang sariwang laman at hindi malaman kung ano ang uunahing tikman. Ipinahid niya sa labi ang mga daliri at inamoy amoy pa ang mga ito. Natikman niya ang manamis namis na lasa ng malapot at malansang dugo ng dumampi ito sa kanyang labi. Habang ipinapalupot sa kanyang mga kamay ay dahan dahang dinidilaan ang bituka nito. Ang sariwang atay at puso ay napakalinamnam! Hindi na siya makapag pigil pang kainin ang napakasarap na hapunan. Matapos pag piyestahan ang lamang loob ng unang taong biktima ay umalis na ito at iniwan ang bangkay sa ilalim ng puno ng saging.

Pag uwi sa bahay ay muli siyang dumugtong sa kalahating katawan na nag iintay sa kanyang pagbabalik. Unti unting bumabalik ang kanyang ganda at makalipas lang ang ilang sigundo ay normal na ulit ang kanyang itsura. Tumungo si Angela sa banyo upang maghugas ng duguang kamay at bibig.

Isang masayang gabi ang natapos at busog na busog siya sa dami ng kinain.

"Iba pala talaga ang lasa ng tao kaysa sa hayop. Mas masarap at mas malasa." may ngiti sa kanyang mga labi bago nagsimulang ipikit ang mga mata dahil sa pagod.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon