Pagpasok sa silid ay itinuloy nila ang matamis na paghahalikan.
Hinubad ang mga basang damit hanggang sa wala ng natirang saplot sa kani kanilang mga katawan.
Napatumba sila sa malambot na kama.
Pinagmamasdan ni Caloy ang hubad na katawan ni Angela at hindi nito mapigilang mag init ang sariling katawan dahil sa magandang tanawin na nasa kanyang harapan.
Nagpaubaya naman ang dalaga sa gustong gawin ng kasintahan.
Nagpainit sila ng katawan hanggang mawala ang lamig na dulot na masamang panahon. Ang tubig na mula sa ulan ay napalitan ng pawis at patuloy ang pag agos sa kanilang mga katawan.
Sa bawat pag kulog ay kasabay ang pag ungol ni Angela at sa bawat pag kidlat ay siya namang pag ungol ni Caloy. Halinhinan sila sa paraan kung paano mapapaligaya ang isa't isa.
Nang tumigil ang malakas na ulan ay siya ring pagtigil sa kanilang paglalaro ng apoy. Pagod na pagod ang dalawa at hingal na hingal sa tagal ng kanilang pagpapainit ng katawan.
Sa sobrang pagod ay mabilis silang nakatulog ng magkayakap.
"Good morning honeykoh." bati ni Angela paglabas ng kuwarto.
"Good morning. Halika nakahanda na ang almusal." bati ni Caloy.
"Ang aga mo naman nagising."
"Siyempre para maipagluto kita. Ayokong nagugutom ang honey ko eh."
Sabay ng nag almusal ang dalawa at pagkatapos ay sabay rin silang naligo.
Nagkaron pa ulit ng round 2 pagkatapos nilang maligo.
Abot tenga ang ngiti ni Caloy bago ito umuwi ng bahay.
Naiwan naman mag isa ang dalaga at niligpit ang kanilang pinagkainan pati narin yung mga naiwan nila sa garden.
Naglinis ng bahay, naglaba, nagpalit ng kobre kama at kung ano ano pang mga gawaing bahay ang pinagka abalahan niya sa buong araw.
Pagsapit ng gabi ay pagod na pagod siya sa dami ng trabaho. Akala niya ay makakapag pahinga na siya......
"Oh no!!!" pinakiramdaman ang sarili sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit niya naramdaman ang ganun.
"Aaahhhh" namimilipit na siya sa sakit ng tiyan.
Inisip nalang niya na baka may nakain siya na hindi gusto ng sikmura niya.
"Aaaaaahhhhhhh!!!" bumagsak na siya sa sahig at doon ay unti unti ang pagbabago ng kanyang itsura.
"Hindi mo na matatakasan ang sumpa. Oo nakaya mong pigilan at labanan pero hahanap hanapin ito ng iyong katawan."
boses iyung ng kanyang ina na sumisigaw mula sa kanyang utak.
"Hindi!!! Ayoko na!!!"
Ilang saglit lang ay tuluyan ng nahati ang kanyang katawan. Ang mahabang dila ay naghahanap na ng lasang matagal din hindi natikman.
Lumipad ito palabas ng bintana at nagsimulang maghanap ng mabibiktima.
Isang grupo ng mga kalalakihan ang namataan niya na nag iinuman.
Parang isang bala ng nakaraan ang tumama sa kanyang isipan.
Nagtago siya sa malaking puno habang nakamasid sa limang lalaki na halos lango na sa dami ng alak na nainom.
Isa isa niyang pinagmasdan at pinakatitigan ang mga mukha ng mga ito.
'Tama sila yun!'
Sabay sabay sinunggaban ng galit na galit na halimaw ang limang kalalakihan na halos hindi na maka bangon at makagalaw sa sobrang kalasingan.
Palipat lipat ang halimaw sa mga katawan at halos waratin na niya ng pirapiraso ang mga naglalakihang tiyan ng mga sunog-baga.
Sa mabilis na oras ay nabusog ang gutom na gutom na sikmura at ramdam ang labis na kasiyahan dahil sa paghihiganti.
Masayang lumilipad pabalik sa kanyang pugad. Matagal na panahon ang lumipas bago nakuha ang hustisya. Sila ang mga lalaking lumapastangan sa kanyang pagkababae at sila ang mga demonyong pumatay sa kanyang ikalawang ina.
Hindi nagsisisi si Angela sa ginawang pagpatay sa halip ay tuwang tuwa pa siya.
"Sana ito na ang huli....." bulong sa sarili ng makabalik sa magandang kaanyuan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
Kinh dịSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)