Magkayakap ng mahigpit ang dating magkasintahan, mukhang bumalik ang tamis ng kanilang pag iibigan. Itinaas ni Anton ang mukha ni Angela at hinalikan ang mapupula nitong mga labi habang hinahaplos ang basa at mahabang buhok. Bumaba sa likod ang kanyang mga kamay at hinimas ang likuran ng dalaga habang nakadikit naman ang dibdib nito sa kanya.
Napaigtad si Angela ng bigla siyang buhatin na parang bagong kasal at sabay inihiga sa kama. Lumuwang ang pagkaka ipit ng tuwalya sa kanyang dibdib at bumulaga kay Anton ang hubad na katawan. Napangiti silang dalawa at nagtakip ng unan sa mukha si Angela dahil sa pagkahiya.
Inalis ni Anton ang nakatakip na unan sa mukha ni Angela at kitang kita niya ang pamumula nito. Hinaplos ang pisngi, ang mga labi at saka muling hinalikan. Gumanti naman ng halik si Angela at unti unti ng umiinit ang kanilang mga katawan.
Hinubad ni Anton ang suot niyang polo shirt at pantalon. Tinulungan naman siya ni Angela na hubarin ang kanyang brief. Sa unang pagkakataon ay napag masdan nila ang isa´t isa na wala kahit ano mang saplot sa katawan.
Umibabaw si Anton kay Angela habang nakahiga ito sa kama at marahan nitong hinalikan sa labi ang dalaga pababa sa leeg habang ang kanyang dalawang kamay ay nilalaro ang magkabilang dibdib ni Angela.
Mabilis ang kanilang paghinga hanggang sa itinira na ni Anton ang kanyang angry bird.
Napa ungol naman ang dalaga dahil sa sarap na nadarama. Nagpagulong gulong sila sa kama. Sinubukan ang iba´t ibang positions. Hanggang marating nila ang finale.......
Bumagsak sila sa kama na hingal na hingal talo pa ang nakipag karera sa kabayo. Yumakap si Angela kay Anton habang nakaunan sa kanang braso nito.
"I love you Angela"
"I love you too." ipinikit na nila ang mga mata at nakatulog sa sobrang pagod.
Alas-dose ng hating gabi ng imulat ni Angela ang kanyang mga mata. Nakayakap sa kanya si Anton at napaka himbing ng tulog.
Dahan dahan niyang inalis ang mga kamay nito at tahimik na tumayo palabas ng silid.
"Not this time........please........." bulong sa sarili habang nararamdaman ang kumukulong sikmura.
"Noooooooo..........."
Rinig na rinig ni Angela ang pag alulong ng mga aso. Sumilip siya sa bintana at nakita ang napaka liwanag na buwan. Nais niyang pigilan ang sarili sa unti unting pagbabago ng anyo ngunit kahit anong pigil ay hindi niya ito malabanan.
"Aaaaahhhhhhh......"
Makalipas ang ilang minuto..........
"RRRRRrrrrrrrrrrrrrr!!!!!!!!!"
Nakarinig ng kakaibang ingay si Anton kung kaya bigla siyang naalimpungatan. Pagdilat ng mga mata ay wala sa kanyang tabi ang kasintahan. Labis labis na ikinagulat ni Anton ng buksan ang pinto ay lumantad sa kanyang harapan ang isang nakaka pangilabot na itsura ng halimaw.
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!!" malakas na sigaw ng binata.
Tumakbo ito palabas ng silid at nagpunta sa kusina. Dumampot ito ng kutsilyo at nanginginig na nagtago sa ilalim ng lamesa.
"Rawrrrrrrr"
Rinig na rinig ni Anton ang nakakatakot na tunog na lumalabas sa hininga ng halimaw. Tahimik na nakikiramdam sa paligid habang nagdadasal. Panandaliang katahimikan ang nagbigay ng lakas ng loob upang siya´y lumabas. Biglang namatay ang ilaw sa buong bahay. Wala siyang makita kung kaya´t dahan dahan lang siyang humahakbang at sa bawat galaw ng kamay niya ay ramdam niya ang takot at kaba na baka kung ano ang mahawakan at makapa niya sa gitna ng dilim.
"Magpakita ka halimaw ka!!!! Huwag kang magtago sa dilim!!!!" sigaw ni Anton habang nakataas ang hawak na kutsilyo.
"Hikhikhikhik" nakaka panindig balahibong tawa ang kanyang narinig.
"Nasaan si Angela? Anong ginawa mo sa kanya demonyo ka!!!!"
"Hikhikhik" ang tinig na muling narinig sa di kalayuan.
"AAAAAhhhhhhhhhhhh!!!!!!!" isang napaka habang sigaw ang huling nasambit ng binata ng sunggaban siya sa leeg ng di nakikitang nilalang ng demonyo.
"Waaaaggggggggg!!!!! Saklolo!!!!!"
Patuloy sa pagsigaw at paghingi ng tulong at ng habang inaatake siya ng mananaggal ay nagawa niyang isaksak ang kutsilyo sa parteng hindi niya malaman kung saan tumama dahil sa sobrang dilim.
"A-n-g-e-l-aaaaaaaaa" at tuluyan ng nalagutan ng hininga ang binata.
Kasalukuyan namang nilalantakan ang lamang loob ng panibagong biktima. Ang mapupula nitong mata ay nanlilisik habang patuloy sa pagngata ng mga bituka at atay. Inihuli niya ang tumitibok tibok pang puso. Bago maubos ang kanyang midnight snack ay naramdaman niya ang kirot sa kaliwang braso. Tumutulo ang dugo mula sa malalim na sugat ngunit binalewala lang niya ito at nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos sa napakasarap na pagkain ay iniwanan nalang niya ang bangkay na halos lasog lasog na. Bumalik sa kanyang kalahating katawan at unti unti sa pagbabalik ng kanyang itsura.
Pinagmamasdan ang kahindik hindik na sinapit ng kasintahan sa kanyang mga kamay at di niya napigilang umiyak.
"I´m sorry Anton pero hindi na maibabalik ang dating Angela na nakilala mo at minahal mo huhuhu...."
Pagkatapos ng panandaliang pagluluksa ay nagtungo siya sa cabinet upang kumuha ng gamot at sinimulan na niyang linisin ang malalim sa sugat na tinamo mula sa panlalaban ng pumanaw na kasintahan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)