Chapter 18

2.4K 36 4
                                    

Pag tilaok ng manok ay kasabay narin ang pag gising ni Angela. Isang kalunos lunos na pangitain ang bumungad sa kanya sa sala at pumasok sa alaala ang ginawa niya kay Anton na ngayon ay ulo nalang ang pagkaka kilanlan. Halos wala na ang gitnang bahagi ng katawan nito at lasog lasog narin ang ibang parte nito na parang pinapak ng sampung buwaya.

Matapos isilid sa isang itim na plastic bag ay nilinis na niya ang lahat ng bakas at talsik ng dugo sa iba't ibang bahagi ng sala. Imbis na ibaon sa lupa o itapon ang bangkay mas gusto niyang ilagay muna ito sa isang silid, parang ayaw pa niyang mawala ang alaala ng dating pinaka mamahal.

Planado na ang buong araw.....

Isang planong paghihiganti sa taong umabuso sa kanyang kahinaan.

Matapos niyang magpaganda ay kumuha siya ng sexy outfit na halos lumuwa na ang kanyang dibdib at kita na ang panty at saka pares ng high heels na sandals.

"Perfect! I'm almost ready."

Nang handa na ang lahat ay nagmadali siyang umalis ng bahay.

Excited-sa planong gagawin, happy-dahil makakaganti na siya, galit- pag naalala niya ang mukha nung lalaki at kaba- na sana makita niya ang pakay sa lugar na iyon....halo halong emotions ang nadarama ni Angela pagbaba niya ng sasakyan sa isang parking lot.

Pag pasok sa loob ng bar ay umupo agad siya sa bandang sulok kung saan hindi masyadong maliwanag.

Luminga linga sa buong paligid ngunit wala ang taong nais niyang makita.

Umorder muna ng ice tea si Angela.

Paubos na ang iniinom ngunit wala parin ang pakay niya.

Makalipas ang dalawang oras napag desisyunan niya na wag nalang muna ituloy ang balak.

Malungkot na tumayo si Angela at habang papalapit sa pinto. Nahulog ang hawak niyang pouch ng makabangga niya ang isang lalaking may kasamang babae. Naka akbay ang lalaki at nakayakap naman sa beywang yung babae.

Abot tenga ang ngiti ni Angela ng makilala niya ang lalaki.

"Sorry miss" at inabot ng lalaki ng pouch.

"It's okay Charles." nakangiting sagot nito na hindi inaalis ang titig sa binata.

"Oh wait.......Angela right?" natagalan sa pag iisip dahil siguro sa dami ng girls na kakilala.

"Yes I am! buti nat....." hindi na natapos ang sasabihin ni Angela ng biglang hinila ng babae ang binatang kausap nito.

Imbis na dumeretso sa pag uwi ay bumalik sa loob si Angela at umupo sa di kalayuan ata para siyang stalker na palihim na sumusulyap sa binata.

Panay ang halik ni Charles sa katabi at nagbubulungan pa. Tuloy naman sa panlalandi yung babae at parang ahas pa kung maka pulupot. Sandaling umalis ang babae at nagtungo sa powder room. Saka naman umeksena si Angela at may ibinigay itong card sa binata at saka lumabas.

'I want to spend the whole night with you darling. Follow me if you want to have a wonderful and memorable night.'

Pagkabasa ng sulat ay di na nagdalawang isip si Charles at hindi na inintindi ang ka-date. Mabilis itong sumunod sa pintong dinaanan ni Angela.

Tumingin tingin sa paligid at narinig ang pagbusina ng isang pulang sasakyan. Ngumiti ito ng makita ang mukha ng magandang babae at sumenyas ng 'let's go!'

Binuksan ang pinto sa front seat katabi ng napaka ganda at napaka sexying driver. Mabilis na umalis ang dalawa at walang kaalam alam ang binata sa mga mangyayari ng gabing iyon.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon