Chapter 16

2.4K 37 2
                                    

Anton's POV

'One month na nung huli kaming nagkita ni Angela....miss na miss ko na sya. Gusto ko siya puntahan at makita pero siguradong galit parin yun sa ngyari.'

------FLASHBACK----------

Paglabas galing ospital ay naisipan ni Anton na dumaan sa isang malapit na bar dahil apektado siya sa malagim na ngyari sa pinakamamahal na si Angela. Sinamahan siya ni Nancy dahil alam nitong hindi naman sanay uminom si Anton. Umorder sila ng tag isang bote ng beer.....ikalawa.....ikatlo......hanggang sa makarami na sila ng inom. Magsasara na ang bar kaya napag pasyahan nilang umuwi na. Lasing na lasing ang magkaibigan. Si Nancy ang nagmaneho ng kotse at dumeretso sila sa condo ni Anton.

"Angela.....I love you." sambit ni Anton habang hinuhubaran siya ni Nancy dahil puno ng suka ang suot nitong polo.

"Anton si Nancy 'to." ng bigla siyang hilahin ni Anton at napatumba siya sa dibdib nito.

Hindi na nagawang manlaban ng bigla siyang halikan sa labi ng lasing na lasing na binata. Dahil nakainom narin si Nancy ay di na nila napigilan ang pag iinit ng kanilang katawan. Lumaban ng halik, humiga sa kama at naganap na nga ang isang panaginip na sisira ng relasyon ng tatlong magkakaibigan.

"Nancy?!" laking gulat ni Anton ng pagdilat ng mga mata niya ay katabi niya ang dalaga sa kama at walang saplot.

Tinignan niya ang sarili at nabigla ng makitang wala rin siyang suot. Hindi nya malaman ang gagawin. Dumilat narin ang mga mata ng katabi at maging ito ay nabigla. Tumayo ito sa kama at may nakitang marka sa puwestong kinahigaan.

"Diyos ko anong ngyari?" sabi ni Nancy pagkakita sa dugo.

"I'm sorry Nancy.....I'm really really sorry." napaupo si Anton habang nakahawak sa ulo.

"Hindi puwede 'to Anton, anong gagawin natin? Natatakot ako. huhuhu"

Nabasag ang kalituhan ng dalawa ng marinig ang tunog ng doorbell. Hindi malaman ang gagawin ng dalawa. Matapos ang ikatlong doorbell ay napilitan ng buksan ni Anton ang pinto at lalo pang nagulo ang utak ng makitang si Angela ang nasa labas. Wala na silang nagawa ng umalis ang kasintahan ng may sama ng loob sa kanilang dalawa ni Nancy.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

'Sinubukan ko siya bisitahin at mag paliwanag sana ngunit walang sumasagot sa tawag ko at maging sa doorbell. Umalis nalang ako at pinuntahan si Nancy.'

"Ano balita? Nakausap mo ba siya?" salubong ni Nancy.

"Hindi eh. Wala yatang tao sa bahay nila, babalik nalang ako sa susunod na araw."

"Hanggang ngayon nagi-guilty parin ako." bakas sa mukha ni Nancy ang lungkot.

"Hindi natin sinasadya ang ngyari, dala lang yon ng sobrang kalasingan." sagot ni Anton.

"Ang isang beses na pagkakamali ay nagbunga......." sabay hawak sa tiyan.

Laking gulat ni Anton sa narinig. Hindi maalis ang pagkakatitig sa dalagang ngayon ay tumutulo na ang luha sa pisngi.

"Anton.....buntis ako huhuhu......." at tuluyan ng humagulgol si Nancy.

"Hindi! hindi 'to maaari!!!" at mabilis na umalis ng bahay si Anton.

----------END OF FLASHBACK-------------

Umuwing lumuluha si Angela. Habang nagmamaneho ay pinunasan niya ang mga luha dahil sa nakita. Pagdating sa kanyang bahay ay nadatnan niya ang binatang dumurog sa kanyang puso, nakatayo ito sa harap ng malaking gate.

"What are you doing here?" pagtataray ni Angela.

"Babe please let me explain." nakaluhod at nagmamaka awa.

"Pagkatapos niyo ako lokohin ang lakas ng loob mong pumunta dito sa pamamahay ko."

"Please Angela magpapaliwanag ako." sa puntong ito ay lumuluha na ang binata at kitang kita ang sinseridad sa mga mata nito.

Hindi nagawang lumambot ang puso ng dalaga na nagsisimula ng maging bato. Itinuloy nito ang kotse sa loob at naiwan sa labas ng gate ang binata.

Sa loob ng kuwarto ay tanaw parin ni Angela sa labas ang lalaking nghihingi ng patawad.

"Kahit anong gawin mo Anton hinding hindi ko kayo mapapatawad!" sigaw nito sa sarili.

Makalipas ang ilang oras ay nawala na sa labas si Anton.

Malapit ng sumapit ang gabi.

Paglabas ni Angela galing bathroom ay nagulat siya dahil nasa kuwarto na niya si Anton.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Ayaw mo ako papasukin kaya gumawa ako ng paraan para makapasok."

"Get out of my house!!!" pagturo niya sa pinto ay biglang nalaglag ang nakatapis na tuwalya.

Namula ang kanyang mukha ng makitang nakatitig sa kanyang hubad na katawan ang dating kasintahan. Mabilis niyang dinampot ang tuwalya at itinakip sa katawan at tumalikod.

Hindi na niya namalayang nakatayo na sa kanyang likuran si Anton. Naramdaman niya ang mainit na bisig ng bigla siya nitong niyakap ng napaka higpit. Nais niyang magpumiglas ngunit napaka higpit ng yakap nito sa kanya.

"Babe I miss you so much. Mahal na mahal kita, patawarin mo ako sa nagawa ko hindi ko yun sinasadya."

Hindi umimik si Angela sa narinig, naramdaman nalang niya na may tumutulo sa kanyang magkabilang balikat.

Dahan dahan siyang humarap at pinagmasdan ang lumuluhang ex boyfriend.

Pinunasan ni Angela ang mga luhang pumapatak sa pisngi ng binata at dinampian ng matamis na halik sa labi.

"Pinapatawad na kita." at niyakap narin ng mahigpit ang binata.

"Maraming salamat. I promise hinding hindi na kita sasaktan kahit kailan." at napawi na ang kalungkutan at napalitan ng labis na kasiyahan ang kanyang nadarama.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon