Chapter 25

2K 32 0
                                    

"Good morning...." bati ni Caloy habang nagsasampay ng labahin sa bakuran kung saan nagwawalis naman si Angela.

"Good morning." at nginitian niya ito.

"Kamusta tulog mo?"

"Mabuti naman. Eh ikaw?"

"Masarap ang tulog ko kasi napanaginipan kita." sabay kindat.

"Ikaw talaga ang aga aga ang lakas mo mambola. hahaha"

"Ano pasyal tayo mamayang hapon?"

" Sige saan tayo pupunta?"

"Ipapasyal kita dito sa atin siguradong wala ka pang napupuntahan dito eh."

"Sama naman ako kuya...." biglang sulpot ang nakababatang kapatid.

"Ano ka ba naman nakakagulat ka!" sabay kiliti sa kapatid.

Puro tawanan nalang ang naririnig ni Angela.

´Ang sweet at ang bait naman maging kuya ´to´ sabi ng kanyang isip habang pinagmamasdan ang nagkukulitang magkapatid.

"Ok na Angela ha wala ng atrasan."

"okay!" at sumenyas ng approve si Angela. Napangiti naman hanggang tenga si Caloy.

Nag aantay na si Caloy sa labas ng gate. Nakasakay ito sa bisikleta. Nagulat si Angela pagkakita sa binata dahil hindi niya alam na mag dadala pala ito ng bike.

"Teka pano ako?" nakangusong sabi ni Angela.

"San pa eh di dito." sabay turo sa maliit na upuan sa likod.

Ngumiti nalang si Angela at umangkas na sa bisikleta. First time niya lang sumakay sa bike kaya nanginginig siya at naramdaman iyon ni Caloy.

"Yumakap ka nalang sa bewang ko para hindi ka malaglag."

Sumunod naman ang dalaga kahit nahihiya ay kumapit at yumakap siya ng mahigpit kaysa naman malaglag siya.

Ang dami nilang lugar na pinuntahan. Tamang tama ang pagdala ni Caloy ng bike dahil nakakapagod kung maglalakad lang sila. Maraming magagandang tanawin sa kanilang probinsya. Kasabay pa ang malamig na simoy ng hangin.

Nang makarating sa pinakatutok ng burol ay nakaramdam ng pagod ang binata dahil sa paakyat ang daan doon.

"Hinto muna tayo nakakapagod mag padyak tapos ang bigat pa ng angkas ko!" pabirong sabi ni Caloy.

"Mabigat pala ah!" at bigla nalang nilundagan ni Angela sa likod si Caloy dahilan para mawala sa balanse ang dalawa at natumba sila sa damuhan. Nagpagulong gulong pababa hanggang makarating sila sa ibaba ng burol.

Nagkatitigan lang silang dalawa at sabay nag tawanan. 

Matagal tagal ding panahon mula nung huling tumawa si Angela. Yung tawa na dala ng sobrang kasiyahan. Yung tawa na totoo.

Inalalayan siya ni Caloy na tumayo at pinagpag ang damit na nadumihan na. 

"Ikaw kasi eh!" paninisi ni Angela.

"Hahaha ikaw naman hindi ka na mabiro."

Muli na silang nagpatuloy sa pamamasyal. Sa may plaza ay may nakita silang nagtitinda ng fishball. Bumili sila ng fish balls at kikiam. Tsaka sago pampatulak. Habang kumakain ay pinag mamasdan nila ang malawak na dagat kasabay nito ay ang paglubog ng araw.

Napansin ni Angela na nakatitig sa kanya si Caloy at sa tuwing titignan niya ito ay saka naman iiwas ng tingin ang binata. At kapag inalis niya ulit ang tingin ay saka naman muling tititig sa kanya.

Hindi mawala ang ngiti sa mga labi hanggang sa makauwi na sila ng kani-kanilang mga bahay. 

"Bye Angela, salamat sa pagsama mo sa akin mamasyal."

"Thank you rin dahil sinama mo ako mamasyal."

Hanggang sa pumasok na sa loob ng bahay ay nakatayo parin sa labas si Caloy. Nang tuluyan na siya makapasok ay sumilip siya sa bintana at saka lang ito umalis.

Lumulundag ang kanyang puso sa sobrang saya. 

´Ano ba ´tong nararamdaman ko? Inlove na agad ako sa kanya eh kakikilala palang namin.´ bulong ni Angela habang hindi maitago sa ngiti sa kanyang labi.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon