Chapter 5

3.2K 52 0
                                    

"Malapit na ang 18th birthday mo iha, ano bang gusto mo? Gusto mo bang magpa-party?"

"Sure Mamita!"

"Sige planuhin natin yan tutal may one month pa naman bago yung birthday mo."

"Thank you so much! You are the best Mamita in the world!" sabay yakap.

"Ikaw talaga nambola ka pa."

Matapos ang isang buwang preparasyon....

"Happy birthday Angeline anak." pagbati ng ina.

Inaantok pa at tila tamad na tamad pang bumangon......

"Good morning Mamita. Thank you po."

"Bumangon ka na nakahanda na ang breakfast."

Pagdating sa sala ay may nakita siyang rectangular box na nakapatong sa ibabaw ng sofa at sa tabi nito ay may dalawang maliit na kahon. Binuksan niya ang mga ito. Isang mahabang kulay pink na gown na puno ng makikintab na gems at iba pang design na nakaburda dito. Kasama nito ay dalawang sandals, Isang flat at isang may heels.

Napatingin si Angela sa mamita niya at sumenyas ito na isukat na daw. Mabilis siyang pumasok sa kwarto para isukat. Paglabas niya ay namangha ang kanyang Mamita sa nakita.

"Dalagang dalaga ka na anak. Ang ganda ganda mo." nakangiting sabi nito.

Ang dating mahiyaing bata ay isa ng dalaga na ubod ng ganda.

"Bagay na bagay sayo yang gown mo. Eh yung sapatos nagustuhan mo ba?"

"Opo thank you po!" yumakap at humalik ito sa ina.

Sobrang saya ni Angela sa sorpresang inihanda ng kanyang ina-inahan. Mabilis silang kumain at naghanda na para sa okasyon na gaganapin pagsapit ng gabi.

Isang malaking garden ang pag gaganapan ng birthday party. Maraming bulaklak na nakapaligid sa bawat lamesa. Sa mga upuan naman ay may mga disenyong butterflies. Nagsimula ng magdatingan ang mga bisita. Karamihan dito ay mga classmates at schoolmates ni Angela. At siyempre hindi mawawala ang kanyang bestfriend at ang kanyang boyfriend.

"Ladies and gentlemen please welcome our beautiful debutant Miss Angeline." announce ng MC na nakaturo sa itaas.

Tumingala ang mga bisita at tinanaw ang pagbaba ni Angela mula sa itaas na sakay ng duyan na gawa sa baging at napapalibutan ng mga bulaklak. Napatulala ang mga bisita ng tumayo na ang napakagandang dalaga sa kanilang harapan. Suot ang long gown at may maliit na korona sa kanyang ulonan ay para siyang isang prinsesa. Lalong napahanga sa kanya si Anton na halos hindi mawala ang titig sa kasintahan.

Nagsimula na ang party. May 18 candles, 18 gifts, at ang 18 roses kung saan si Anton ang kanyang last dance.

"Babe you are so beautiful tonight." bulong nito habang nakahawak sa beywang ng dalaga.

"Tonight lang?!" nakangusong sagot ni Angela.

"Hindi lang tonight, pati narin tomorrow, a day after tomorrow......I love you Babe." sabay halik sa pisngi.

"I love you too." at yumakap na siya sa kasayaw.

Matapos ang sayawan ang sumunod naman ay kainan. Napakaraming handa. May catering at mga waiter at waitress na nagseserve sa mga bisita. Sobrang daming tao. At enjoy naman ang lahat.

Matapos ang kainan ay nagpatugtog ulit ng pang disco kaya nagsayawan ulit ang mga tao. Si Nancy ay kasayaw ang ibang kaibigan at nag eenjoy din. Pag tumugtog naman ng sweet mga mag papartner naman ang naiiwan sa dance floor. Niyaya ni Anton sumayaw si Angela.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon