Madaling araw na ng makauwi ng bahay si Caloy galing sa birthday ng matalik na kaibigan.
Tahimik at madilim ang buong bahay. May nakahandang pagkain sa lamesa na tila hindi nagalaw.
Parang kakaiba ang pakiramdam niya ng mga oras na iyon. Bigla siyang pinag pawisan ng malamig at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib.
Binuksan niya ang silid ng ina ngunit walang tao.
Tinungo niya ang kuwarto ng kapatid pero wala din doon si Jasmin.
Dumoble ang bilis ng tibok ng puso niya para na siyang mag kaka heart attack ano mang oras.
"Nay!!! Jasmin!!!" nilibot ang buong bahay pati ang likod bahay pero walang bakas ng mag ina.
Naisipan niyang katokin si Angela pero nakapatay na ang ilas at ayaw naman niyang istorbohin ito sa pag tulog.
Naglakad siya sa may kalsada at sinisigaw ang pangalan ng ina at kapatid.
Patay na ang ilaw ng mga kapitbahay at tahol nalang ng mga aso ang kanyang naririnig.
Tinawagan ni Caloy ang cellphone ni Jasmin ngunit nakapatay naman.
Hindi niya alam kung saan maaaring nagpunta yung mag ina dahil wala naman silang nabanggit sa kanyy bago siya umalis kanina.
"Naaaayyyyyyy!!!"
"Jasmiiiiiinnnnnnnnnn!!!"
Halos mamaos na siya kakasigaw ngunit wala talaga.
Malayo layo rin ang nilakad niya halos palabas na siya ng kanilang baryo ng may nakita siyang paa na nakalitaw sa may talahiban sa tabi ng kalsada.
Parang napako ang mga paa niya sa takot.
Nilakasan niya ang loob at nilapitan ang nag mamay-ari ng paa.
Napaluhod nalang ito ng makita ang dalawang taong hinahanap ay makpgkatabing duguan at wala ng buhay.
"Diyos ko!!! Nanay!!! Jasmin!!!" durog na durog ang kanyang puso sa mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)