Mabilis na kumalat ang balita sa pagkakapatay sa limang magkukumpare.
Nag iiyakan ang kani kanilang mga pamilya.
May mga nag chichismisan.
May mga kapulisan.
Mga mga usesero at usosera.
Lahat ng tao ay may kanya kanyang haka-haka sa pagkakapatay sa lima.
"Jasmin anak wag na wag ka ng pagala gala lalo na sa gabi. May kumakalat daw na aswang dito sa atin!" ninenerbiyos na boses ni Aling Isabel.
"Nay hindi po totoo yun! tama lang naman yung ngyari sa mga yun dahil salot sila." sagot ng dalagita.
"Susmaryosep! ano ba yang sinasabi mo ha!"
"Talaga naman po diba ang daming galit dun sa mga yun."
"Ay nako basta pagsapit ng gabi dapat andito ka na. Mas mabuti na yung nag iingat."
Humahangos naman si Caloy habang umaakyat sa hagdan ng bahay ni Angela.
"Oh honey san ka galing? bakit pagod na pagod ka?"
"Galing ako dun sa kabilang kalye. May mga natagpuang patay kasi dun at halos lasog ang katawan. Wala ng mga lamang-loob!"
"Ah talaga?"
"Usap usapan na may gumagala daw na aswang dito kaya gusto ko mag iingat ka"
"Wag ka mag alala hindi totoo yung aswang! Nasa modern technology na tayo noh?!"
"Ah basta, siya nga pala sasama ako sa pagroronda mamayang gabi."
"Wag na mapapagod at mapupuyat ka lang sa gagawin mo."
"Nag aalala kasi ako pano kung totoo nga. Ayokong may mangyaring masama sa inyo."
"Sige ikaw ang bahala."
Pagsapit ng dilim ay nagsimula ng mag bahay bahay ang mga kalalakihan. May mga dalang itak at mga kahoy. May flashlight at lampara din silang hawak.
Laking pasasalamat ni Angela dahil hindi kumalam ang kanyang sikmura nung gabing iyon at sa mga sumunod pang gabi.
Nadismaya ang mga residente dahil ni isang aswang ay wala silang nakita o nahuli.
Sabi sabi sa bawat sulok ng lugar ay isang mabangis na hayop lang ang pumatay sa mga biktima. O kaya ay taong may matinding galit lang ang may kayang gumawa ng karumal dumal na krimeng tulad nun.
Makalipas ang ilang gabi ay tumigil na sa pagbabantay ang mga residente at naging kalmado na ulit ang kanilang baryo. Balik sa normal ang sitwasyon. Walang dapat katakutan dahil hindi naman totoo ang nasabing aswang.
Yun ang akala nila.......
Isang gabing maliwanag ang buwan ay muling sumalakay ang halimaw.
Mabilis siyang nakahanap ng bibiktimahin.
Isang batang babae na nag lalakad sa madilim na parte ng bukirin.
Dali dali niya itong dinakma mula sa likuran at kinagat sa leeg.
Nawalan agad ng malay ang babae at bumagsak na nakadapa.
Nagmamadaling itinihaya at laking gulat ng makilala ang kanyang biktima.
Imbis na intndihin ang nararamdaman ay mas inintindi niya ang tawag ng sikmura. Binulaslas ang tiyan at nilantakan ang loob nito. Hindi niya nagawang ubusin ang lamang-loob nito dahil sa pagsisisi.
Lumipad ito pabalik sa kanyang bahay.
Tumapat sa kanyang kalahating katawan na nag aantay ng kanyang pagbabalik.
May mali......ayaw magdugtong ng kanyang katawan!
'Bakit???? bakit ayaw???'
Biglang sumagi sa alaala ang sinabi ng kanyang ina....
"Babalik ka lang sa iyong katawan at muli itong magdudugtong kung nakuntento ka sa iyong kinain."
Muli niyang naramdaman ang pagkulo ng sikmura at kahit ayaw man ay wala siyang choice kundi humanapulit ng mabibiktima. Hindi na niya gustong tapusin ang nasimulan sa nakababatang kapatid ng kasintahan.
Parang siyang ninenerbiyos habang naghahanap ng bibiktimahin.
"Jasmin!"
"Jasmin nasaan ka na ba?"
"Anak Jasmin!!!"
Panay ang sigaw ng nag aalalang ina. Gabi na ay hindi pa umuuwi ang anak na babae. Hinanap na niya ito sa mga kaibigan ngunit wala daw doon. Nakarating na siya sa may bukirin.
"Jasmiiiiinnnnnnn!!!"
"Jasminnnnnnn!!!"
Sa di kalayuan ay nakakita ng matandang babae ang halimaw. Sa lugar kung saan niya pinatay si Jasmin.
Nakilala ni Angela si Aling Isabel. Ayaw niyang iyon ang magpuno ng kanyang nagngangalit na sikmura.
Nanginginig na ang kanyang mga kamay pilit niyang nilalabanan ang sarili na wag sunggaban ang matanda.
Namalayan nalang niya na hawak na niya ang walang buhay na matanda. Ang ina ni Caloy!
Hindi man niya ninais na saktan ang napaka bait na si Aling Isabel ay wala na siyang nagawa kundi kainin ang kahit kalahati manlang ng lamang-loob nito.
Ng maramdaman ang paghinto ng mahapding sikmura ay muli na siyang lumipad at nagpaka layo-layo.
Muling nagdugtong ang kanyang katawan at ang kapalit nun ay ang buhay ng dalawang taong malapit sa kanya.
Hindi na niya napigilang umiyak dahik sa sobrang pagkamuhi sa sarili. Nagawa niyang saktan ang sarili dahil sa sobrang galit. Pinaghahampas niya ang kanyang tiyan at gustong isuka ang mga kinain ngunit parang tinunaw kaagad iyon ng kanyang mala asidong sikmura.
Wala na siyang magawa kundi ang umiyak ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)