Chapter 22

2K 31 0
                                    

Tahimik na pinagmamasdan ng halimaw ang buntis mula sa butas ng bubungan. Kahit madilim ay kitang kita nito ang sunod

na bibiktimahin.

Hindi na makapag antay na tikman ang sariwang laman ng batang nasa sinapupunan nito. Hindi siya maaaring pumasok sa

loob ng bahay dahil naka kandado ang pinto at sarado rin ang mga bintana. Isa lang ang paraan na naisip niya. Mula sa

butas sa bubong ay isusulot ang malasinulid na dila at dahan-dahan itong bababa patungo sa pusod ng ginang at doon ay

sisipsipin ang lahat ng laman nito kabilang na ang sanggol.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Dina!!!" rinig sa buong kabayanan ang sigaw ni Mang Lando ng makita ang kalunos lunos na sinapit ng asawa.

Duguan ang katawan ng walang-buhay na misis at impis narin ang tiyan nito. Wala na ang sanggol sa kanyang sinapupunan!

Labis labis ang sakit na nadarama ng ginoo dahil hindi lang siya nawalan ng asawa.....nawalan din siya ng anak.

Huli na ang lahat bago pa siya nakabalik galing sa pagroronda.

"Papatayin kitaaaaa!!!" sigaw nito habang iwinawagayway ang hawak na itak. Parang nawala na ito sa katinuan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

'Ang sarap pagmasdan ng mga taong nagkakagulo at natatakot.' bulong ni Angela sa sarili habang nanonood ng balita.

Tuluyan ng nawalan ng puso ang dating napaka bait na si Angela. Ang dating mala anghel na dalaga, ngayon ay naghahasik

na ng lagim.

Tahimik ang gabi, nakaramdam ng pagkulo ng sikmura si Angela. Alam na niya ang ibig sabihin ng ganung pakiramdam.

Lumipad lipad at naghahanap ng mabibiktima.

Tamang tama ang isang batang umiiyak sa may bakanteng lote. Nasa tatlong taong gulang palang yung batang babae.

Masarap.... sariwa.....malinamnam.

Tumutulo na ang laway ng halimaw bago pa man malapitan ang bata.

Ang lapit lapit na niya halos dadakmain nalang niya ito ng biglang.......

"Aaahhhhhh!!!" napakalakas ng pagkakabato sa kanya at tinamaan siya sa ulo.

"Sapul!" sigaw ng isang batang lalaki na nasa sampung taong gulang.

Nagtatakbo ito papunta sa batang babae.

"Tay!!! tinirador ko yung aswang!!!" tuwang tuwang sabi ng bata sa kanyang ama.

"Ano?! hahaha ikaw talaga kung ano anong sinasabi mo!" sagot naman ng lasing na ama.

"Totoo tay! halika tignan mo andun sa bakanteng lote."

Hila-hila ang gegewang gewang na ama at tinungo nila ang lugar kung saan iniwan ang kapatid at ang halimaw.

"Wala naman eh! niloloko mo ba ako?" tinorpe ang anak at tsaka tinalikuran.

"Pero tay....." napakamot nalang sa ulo si totoy.

'Teka nasaan si nene?' hinanap ang kapatid.

Nakita nitong nilalantakan na ng halimaw ang kanyang nakababatang kapatid.

Tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at sumigaw ng ubod ng lakas na nakakuha ng atensyon ng napadaang

kapitbahay.

Mabilis lumipad palayo ang halimaw at hindi na tinapos ang pagkain. Ang hindi niya alam ay nasundan siya ng naka

bisikletang magbabalot.

Pagdating sa bahay ay ginamot nito ang sarili. Nilinis ang sugat mula sa kanyang ulo. Napasilip siya sa bintana at nakita ang

isang lalaki na nakasakay sa bisikleta at may hawak na basket at may mga nakalawit na chicharon.

Bumilis ang tibok ng puso niya at isinara ang bintana at itinabing ang kurtina.

Makalipas ang kalahating oras ay muli siyang sumilip sa bintana.

Sa di kalayuan ay natanaw ni Angela ang mga nagdadatingang tao at may mga dalang kahoy na may apoy.

Halos kalabog na ang nararamdaman niyang pagtibok ng kanyang puso. Nalilito sa kung anong dapat niyang gawin.

"Lumabas ka diyan kampon ng demonyo!!!" sigaw ng matandang lalaki.

"Aswang ka!!! mamamatay tao!!!" sabat ng isang babae.

Malayo ang main gate mula sa bahay kaya hindi sila basta basta makakapasok. Nag impake ng gamit si Angela at mabilis

itong nagtungo sa back gate kung saan may isang kotseng nakaparada. Ang kotse ng kanyang Mamita.

Nag akyatan na ang mga tao sa mataas na gate at pader at tuluyan ng nakapasok sa bahay. Ngunit wala na doon ang

hinahanap nila.

"Nakatakas na ang halimaw!!!" galit na sigaw ng isang binata.

Ayaw mag alisan ng mga taong bayan hangga't hindi sila nakaka ganti. Sinunog nila ang mansyon.

"Nakatakas nga siya pero wala na siyang babalikan!"

Natupok ang buong mansyon at ng maupos na ito ay saka lang nag alisan ang mga galit na galit na residente.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon