Chapter 27

1.9K 34 2
                                    

Naglalakad sa kalsada si Angela galing sa palengke. Namili siya ng mga prutas, gulay, isda, manok at baboy. Nais naman niyang siya ang magluto para sa pamilya ni Caloy.

Habang naglalakad ay may nadaanan siyang grupo ng mga kalalakihang nag iinuman sa tapat ng tindahan ilang metro lang ang layo mula sa kanyang bahay.

"Miss beautiful tagay ka muna." sabi ng isang lasing.

"Halika maki join ka muna samin....." sambit naman nung isa.

Derederetso lang si Angela sa paglalakad ng bigla siyang hilahin nung matandang lalaki.

"Ang suplada mo naman nene ikaw na nga ang inaalok eh...."

Nagtawanan ang mga lalaki sa lamesa.

"Bitiwan mo ako!" sa panlalaban ay nagkanda tapon ang laman ng basket at nadumuhan ang mga pinamili niya.

Dalawang lalaki ang humawak sa magkabilang braso ni Angela at pinipilit siyang umupo.

"Saklolo tulungan niyo ko!!!!!" umiiyak na ang dalaga .

"Bitawan niyo yang babae!" galit na boses ng isang lalaki.

"Caloy wag ka ng makisali pa....amin na ´to." sagot nung isang lalaking nakahawak kay Angela.

Nung aktong hahalikan nung matanda sa pisngi si Angela ay sumugod na si Caloy at pinag susuntok ang dalawang lalaki na humahawak sa braso ng dalaga. 

Nakawala ang dalaga sa pagkaka kapit nung mga lasing at dinampot ang basket at ang mga laman nito.

Dahil sa sobrang kalasingan ay mabilis namang natumba ang mga ito. Susugod sana yung mga naka upo ngunit nilabas ni Caloy ang hawak niyang balisong. Kung kaya nag atrasan na ang mga ito.

"Subukan niyo lang galawin ulit ´to hindi lang yan ang aabutin niyo!!!!"

Hinila na ni Caloy ang kamay ni Angela at umalis na sila sa lugar na yon.

Pagdating sa bahay ni Angela ay binisita niya kung may tama ba ito o kung nasaktan ba. Buti nalang at walang masamang ngyari kay Caloy.

"Salamat sa pagliligtas mo sakin ha."

"Yung mga mokong na yun gusto pa maka iscore!" 

"Sa susunod pag aalis ka sabihan mo lang ako para sasamahan kita." 

"Nagpunta lang naman ako sa palengke."

"Kahit saan pa basta wag kang lalabas mag-isa!" galit ang boses ni Caloy ngunit may pag aalala.

Napangiti naman si Angela dahil alam niyang inaalala lang siya nito.

"Dito ka na kumain magluluto ako."

Nawala naman ang pagkakunot ng noo ni Caloy. Siguraduhin mong masarap yan ha!

"Yes boss!" naka saludo ang isang kamay bago nagtungo sa kusina.

Tahimik na pinag mamasdan ng binata ang buong kabahayan. Namangha siya dahil sa mga mamahaling gamit na nasa loob. 

Nagtungo ito sa kusina...

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Ammm sige tulungan mo ako dito."

Pinagtulungan nilang lutuin ang masarap na pananghalian.

"Tawagin mo na sina Aling Isabel at Jasmin para sabay sabay tayo dito kumain. Ihahanda ko lang yung lamesa." sabi ni Angela.

Ilang minuto lang ay kumpleto na sila.

"Parang one big happy family tayo ah." sabi ni Jasmin.

"Kain na tayo, ang sarap ng amoy" sabi ni Aling Isabel.

Nagtinginan naman sina Caloy at Angela sabay ngiti sa isa´t isa.

"Ay grabe busog na busog ako...." habang hinihimas ni JAsmin ang tiyan.

"Naparami nga rin ang kain ko hehe" sabi ni Aling Isabel.

"Buti naman po at nagustuhan niyo yung niluto namin ni Caloy." nakangiting sambit ni Angela.

"Talaga kuya nagluto ka?" gulat na sabat ni Jasmin.

Ngumiti lang si Caloy at tumaas taas ang kilay.

"Aling Isabel gusto niyo ho ba ng pakwan?" tanong ni Angela.

"Nay Isabel nalang ang itawag mo sa akin...." nakangiti itong sumagot.

"Paborito ni nanay ang pakwan." sabi ni Caloy.

"Nay Isabel eto po ang pakwan para sa inyo. Matamis po yan." sabay abot ni Angela.

Matapos nilang kumain ay nagkuwentuhan naman sila sa sala.

Ikinuwento ni Aling Isabel ang mga nakakatuwang alaala nung maliit pa si Caloy. Kung gaano ito kakulit. Tawa ng tawa si Angela sa mga naririnig niya at parang napapahiya naman si Caloy sa mga pinapagsasabi ng kanyang nanay.

Bago tuluyang magpaalam ay may pahabol pa si Aling Isabel....

"Kung mag aasawa ang anak ko gusto ikaw yun!"

Napangiti naman si Angela at inihatid na palabas ang mag iina.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon