Chapter 10

2.8K 41 2
                                    

'Wala ako maalala tungkol sa mga ninuno natin dahil halos lahat sila ay pinatay ng mga tao ng matuklasan kung ano sila. Sisimulan ko nalang sa lola mo. Bata palang ako ay kami nalang dalawa ang magkasama sa buhay. Namatay ang lolo mo nung araw na ipinanganak ako. Napaka higpit niya sa akin. Ayaw na ayaw niyang lalabas ako ng bahay. Palipat lipat kami ng bahay dahil masamang tao daw ang mga kapit-bahay namin. Hanggang sa magdalaga na ako ay naging mailap ako sa mga tao.'

'Isang araw habang nagsasalok ako ng tubig sa balon ay may nakita akong nakahiga sa tabi ng timba. Isang kulay puting tuta ang natagpuan ko doon na sugatan ang paa. Naawa ako kaya binuhat ko at inuwi sa bahay. Wala akong naging kaibigan kundi ang aso kong si Luna na lihim kong itinatago dahi ayaw ng nanay ang alagang hayop. Matinding bilin ng lola mo na kahit anong marinig ko pagsapit ng dilim ay wag na wag akong lalabas ng aking silid.'

'Isang gabi habang nagtitiklop ako ng mga nilabhan ay narinig kong umaalulong si Luna. Sumilip ako sa bintana dahil baka may tao sa labas. Wala pa ang nanay kaya naisip ko baka pauwi na siya. Tumakbo ang alaga kong aso sa may pintuan at pilit nitong sinusuot ang katawan sa siwang ng pinto. Nakalusot ito at nagtatahol sa likod ng punong saging na nasa likod-bahay.'

"Sinundan ko si Luna at laking gulat ko ng makita ko siyang duguan na nakahiga sa lupa. Ang kulay puting balahibo nito ay halos naging pula na dahil sa dugong pumalibot sa buong katawan. Napahawak ako sa aking bibig ng makita ko ang aking ina........halos hindi ko siya makilala sa kanyang bagong anyo!'

"Ang aking ina na may mahabang buhok, kulay itim na mga mata, at matangos na ilong ngayon ay may nakakatakot na itsura!"

"Ano pong ngyari kay lola?" tanong ni Angela na nanlalaki ang mga mata.

'Ang kanyang mga mata ay naging pula at nanlilisik, makapal ang mga kilay.....at ang kanyang bibig ay namumula hindi dahil sa pulang lipstick...... kundi dahil sa dugo ni Luna!!!'

'Para akong napako sa aking kinaroroonan, gusto kong tumakbo palapit sa aking alaga ngunit sobra sobrang takot ang aking nararamdaman at naiyak sa labis na pagkagulat dahil hindi ko akalain na ang nanay ko pala.........siya pala ang nababalitang pumapatay sa aming lugar. Lalo pa akong nabigla ng mabilis bumukas ang mga pakpak sa likuran niya at dahan-dahang umaangat ang itaas na bahagi ng kanyang katawan. Ilang saglit lang ay nahati sa gitna ang katawan niya! Lumipad ito palayo at naiwan ang beywang hanggang paa na nakatapak sa lupa. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya tumakbo ako pabalik sa loob ng bahay, ikinandado ko ang pinto at mga bintana at nagkulong na ako sa kwarto.'

'Hindi na ko nagkaroon ng pagkakataon na harapin ang lola mo dahil sapat na ang nakita ko para iwan siya. Lumayas ako sa aming bahay at nagpaka layo layo upang hindi na niya ako mahanap. Galit ako sa kanya dahil sa pagtatago niya ng isang lihim at hindi lang basta lihim.....kampon siya ng demonyo!'

'Nagtrabaho ako bilang kasambahay sa isang mayamang pamilya sa bayan ng San Antonio. Maayos naman ang naging buhay ko. Wala akong naging komunikasyon sa lola mo sa loob ng isang taon. Sumapit ang aking ika-labing walong taong kaarawan. Isang maliit na salo-salo ang inihanda para sa akin. Bago matapos ang gabi ay isang di inaasahang bisita ang nakatayo sa harap ng bahay na tinutuluyan ko.'

'Nagmamaka awa ang lola mo na umuwi na ko at dahil hindi ko rin naman siya matiis ng mahabang panahon ay sumama na ako pabalik sa aming bahay. Maraming bagay ang pinag usapan namin at doon ko nalaman ang lihim ng pamilya. Ang lihim na hindi ko matatakasan kahit saan man ako pumunta.'

'Maging ako ay nagkaroon ng pagkakataong kumitil ng buhay upang ibsan ang aking uhaw. Unang beses ay dugo lang ng hayop ang pilit kong ininom ngunit di nagtagal ay pati ang lamang loob ng mga kawawang hayop ay akin naring tinikman. Makalipas ang ilang gabi ay tao na ang hinahanap ng aking katawan. Kakaibang sarap ang dulot ng dugo at laman ng tao lalo na pag galing sa bata dahil sariwa.'

'Isang araw ay may nakilala akong binata na nagpatibok ng aking puso. Hindi ko inakala na may magkakagusto sa akin, kung alam lang ng lalaking yun na puso niya ang gusto kong gawing hapunan malamang ay hindi na nito itutuloy ang panliligaw. Ang lalaking yun ay walang iba kundi ang iyong ama. Nahulog ang loob ko sa kanya. Kahit ayaw ng lola mo ay itinago namin ang aming relasyon. Di nagtagal ay ipinagbuntis nga kita. Ipinagtapat ko sa lola mo ang aking pagdadalang-tao. Gaya ng aking inaasahan nagalit ito at ipinagtabuyan ako.'

'Nagsama na kami ni Gary at masaya naman ang aming buhay. Natigil ang aking pambibiktima dahil prutas at gulay lang ang gusto kong kainin at pakiramdam ko ay normal na akong tao. Isang araw habang nasa trabaho ang tatay mo ay dumalaw ang lola mo at kinamusta ang kalagayan ko. Binantaan nya ako na maliban sa aming lihim ay mayroon ding sumpa na kapag umibig kami sa isang lalaki ay mamatay ito at pati narin ang magiging anak nito. Napahawak ako sa aking sinapupunan dahil ayokong mawala ka sa akin.'

'Isang buwan nalang ay manganganak na ko. Nabuhayan ako ng loob ng sabihin ng lola mo na maaari kang mabuhay at binigay niya sa akin ang isang kuwintas bago siya umalis. Bago ka isilang ay wala na akong naging balita sa kanya.'

"Ito po ba yung kuwintas na galing kay lola?" tanong ni Angela habang hawak ang kuwintas na nakasabit sa leeg.

"Oo anak. Ang kuwintas na yan ang simbolo na kailangan mong sumunod sa yapak namin ng lola mo. Kung hindi dahil diyan ay hindi na kita maisisilang ng buhay. Isa lang sa inyo ng ama mo ang maaaring mabuhay at ikaw ang pinili ko. Patawarin mo ako anak."

"Nayyyyy......." at nagyakapan silang mag-ina.

"Patawarin mo ako anak, tandaan mo mahal na mahal kita." at muli itong naglaho ng bumukas ang ilaw at tumigil na ang malakas na ulan.

Muli ay naiwang mag-isa si Angela at halos hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa kanyang ina.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon