Chapter 20

2.1K 37 2
                                    

"Wake up! Sleeping beauty!!!" bati ni Angela.

Papikit pikit pa si Nancy at ng maalala ang ngyari ay bigla itong bumalik sa pagkabigla.

"Hayop ka Angela anong ginawa mo kay Anton?!!!"

"Wala akong ginawa sa kanya....."

"Nagmamaang maangan ka pa! Kitang kita ko ang ulo at katawan niya!"

"Hindi ba kayo ang may ginawa sa akin? Nakakalimutan mo na yata yung panloloko ninyong dalawa?"

Natahimik ang nanggagalaiting si Nancy.

"Tama lang sa kanya yun dahil wala siyang kuwentang boyfriend! at ikaw naman ang susunod dahil wala kang kuwentang bestfriend!!!"

Sasampalin sana ni Nancy si Angela ngunit hindi nito maikilos ang buong katawan. Para siyang comatose pero nagagawa niyang magsalita at nakakaramdam parin siya ngunit hindi niya kayang igalaw ang katawan.

"Anong ginawa mo sa akin?" nagsimula ng kumalma ang boses niya at nahaluan ng takot.

"Wala naman....gusto ko ramdam mo ang bawat sakit kagaya ng idinulot niyo sa akin ng pagtaksilan niyo ako!"

"Please Angela nagmamaka awa ako alang alang sa baby ko....huhuhu...."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Angela dahil sa naring.

Nagbunga ang ginawa nilang kahayupan. Nagka anak sila ng taong pinaka mamahal niya.

"Mga hayop kayo!!! arrrrrr!!!"

Kinuha ni Angela ang unan at itinakip sa mukha ni Nancy. Nagsisisigaw ito at naghahabol ng hininga.

Hindi pa niya gusto tapusin ng ganun kadali ang buhay ng dating kaibigan. Gusto niyang maghirap ito ng sobra sobra.

Galit na galit si Angela habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata. Nasaktan siya sa pasabog ni Nancy kaya gustong gusto na niyang patayin ito.

"Demonyo ka Angela! Hindi bagay sayo ang pangalan mo dahil isa kang demonyo!!!" sigaw nito ng alisin ni Angela ang unan sa mukha.

"Oo kampon ako ng demonyo at dahil yun sa kagagawan nyo!!!"

Sa tindi ng poot at galit ay mabilis itong nagbago ng anyo.

Laking gulat naman ni Nancy habang pinapag masdan ang ngyayari. Para siyang nanonood ng horror movie sa totoong buhay.

"Hindiiiiiii!!! Oh My God!!!" nakapikit habang nagdadasal ang walang kalaban labang si Nancy.

'Ggggrrrrrrrrrrr'

Binuksan ni Nancy ang mga mata at gusto na niyang himatayin dahil sa nakaka kilabot na nilalang at palutang lutang sa kanyang harapan.

"Please Angela....maawa ka sa akin pati sa baby ko....huhuhu....."

"Patawarin mo ako sa nagawa ko......"

Parang wala namang naririnig at naiintindihan ang halimaw sa kanyang harapan. Tumutulo ang laway nito sa kanyang binti maging sa ibang parte ng katawan. Napapikit siyang muli ng ilapit nito ang mukha. Hindi niya magawang manlaban dahil sa kung anong gamot na itinurok sa kanya. Nandidiri siya habang dinidilaan nito ang kanyang makinis na mukha pababa sa kanyang tiyan.

Winarak ng halimaw ang butones ng kanyang suot na dress at tumuwangwang ang kanyang panloob na panty at bra.

Dahan dahan nitong kinakalmot ang sinapupunan ni Nancy. Ang lugar kung saan matatagpuan ang munting anghel.

"Parang awa mo na wag ang baby ko....huhuhu" naghihisterikal na si Nancy.

Ngumiti lang ito at sabay ibinaon ang matutulis na kuko sa kanyang puson.

"Aaaawwwwwww!!!" bumulwak ang dugo mula sa mga butas na kinaroroonan ng matatalas at matutulis na kuko.

Muling ibinaon ng mas malalim kaya mas malakas na sigaw ang lumabas mula sa bibig ni Nancy.

Halos tumirik ang mga mata sa sobrang sakit.

Gamit ang kaliwang kamay ay unti unting pinupunit ang hiwa sa puson ng kawawang dalaga. Parang siyang inooperahan ng cs kahit hindi pa naman niya kabuwanan. Walang anestisya at hindi rin doctor ang gumagawa ng operasyon kung di isang halimaw na gustong kunin at kainin ang sanggol.

Gising na gising si Nancy at kitang kita niya ang pagdukot sa kanyang anak na isang maliit na fetus pa lamang. Awang awa siya sa baby niya at maging sa sarili dahil sa sinasapit nilang mag ina sa kamay ng kampon ng diablo.

"Ik....ik...ikk........ikkkkkk" matinis na tawa ng manananggal habang isinusubo nito ang duguang fetus.

Sarap na sarap si Angela dahil sa unang pagkakataon ay nakatikim narin siya ng sariwang sanggol.

Dahil sa liit ng size nito ay nabitin ang halimaw kung kaya't itinuloy na niya ang pagkain ng mga lamang loob ng biktima. Tuluyan ng binawian ng buhay ang dating kaibigan dahil sa sobrang sakit at dami ng dugong nawala dito at sa pagka-shock.

Masayang masaya si Angela na pinagmamasdan ang katawan ng dating mga kaibigan. Isang reunion na nauwi sa malagim na katapusan. Inilibing niya ang katawan ng dalawang kaibigan sa likod ng kanyang malawak na hardin at tinaniman ng mga bulaklak.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon