Makalipas ang dalawang araw ay nakalabas na ng ospital si Angela. Dumeretso siya sa kanilang tahanan. Ramdam niya ang katahimikan ng buong bahay. Dahil ayaw mag isa ay naisipan niyang bumisita sa condo ng kasintahan.
'dingdong' unang pindot sa doorbell...
'dingdong' pangalawang beses na pero wala paring nagbubukas ng pinto.
Alam niyang nasa bahay si Anton dahil nakaparada sa labas ang kotse nito.
Pangatlong beses na sana ang pag dodoorbell niya ng biglang bumukas ang pinto.
Binuksan ni Anton ang pinto na ang tanging takip lang sa katawan ay isang puting tuwalya.
Nagulat siya ng makita ang dalaga...
"Hi babe nakalabas ka na pala? Kala ko ba bukas pa?" tanong ni Anton na may halong kaba.
"I'm fine sabi ni doc pwede na daw ako umuwi. Ikaw kamusta?"
"Ok lang, sana tumawag ka para nasundo kita."
"Gusto kita sorpresahin eh. Babe napano yan?" nakaturo sa dugo sa laylayan ng tuwalya na nakatapis sa binata.
Tinignan ito ni Anton at nakitang may dugo nga. Lalo itong kinabahan at di na nagawang sumagot ng biglang...
"Angela???" tawag ng babaeng palapit mula sa likuran ni Anton.
"Nancy????" laking gulat ni Angela ng makita ang matalik na kaibigan na halos hubo't hubad!
"Oh my God!!!! What's happening here?!"
Palipat lipat ang tingin ni Angela sa kasintahan at sa bestfriend niya. Tumulo na ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi na nagawang magpaliwanag ng dalawa dahil mabilis na tumalikod at tumakbo palayo si Angela.
Mabilis itong sumakay sa kanyang kotse at halos paliparin na para makalayo na sa lugar na yun.
Hindi alam ni Angela kung saan siya pupunta. Makalipas ang ilang oras na pagmamaneho ay naisipan niyang umuwi nalang ng bahay. Pagod na pagod na ang katawan niya, pati narin ang mga mata niya ay namumugto na, at higit sa lahat... ang puso niya ay durog na durog na.
Sa sobrang dami ng pinagdaanan niya ay gusto na niyang magpakamatay.
Madilim at tahimik ang napakalaking mansion. Dumeretso siya sa kwarto.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Lungkot sa pag-iisa, sakit na dulot ng pagkabigo at matinding GALIT dahil sa mga pinagdadaanan niya.
Una ay pinatay ang sarili niyang ina...
Sumunod ay pinatay rin ang pangalawang ina...
Pangatlo ay ang pang gagahasa sa kanya at sinubukan pa siyang patayin...
At ang huli ay ang pagtataksil ng mga taong mahalaga sa kanya...
"Ayoko na!!!!!!"
"Lahat ng ito ay dahil sa mga tao!!!! dapat sa kanila ay mamatay!!!!!!"
Nagwala si Angela sa loob ng kanyang silid. Binasag ang mga litrato nila ni Anton at ni Nancy. Lahat ng mahawakan niya ay hinagis sa sementadong pader. Ang dating maayos at malinis na silid ay para ng dinaanan ng malakas na bagyo.
"Aaahhhh!!!!!" sigaw ni Angela ng may maramdaman siyang kakaiba sa katawan...
"Aaaraaayyy!!!!!!"
"Aaaawww!!!!" sunod-sunod na pag sigaw dahil sa sobrang sakit dala ng pag babagong nagaganap sa sarili niyang katawan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)