Chapter 8

2.5K 31 2
                                    

"Angela......"

"Angela......"

Isang pamilyar na boses ang nagbigay ng ulirat sa dalaga. Iminulat ni Angela ang kanyang mga mata at sa kanyang harapan ay nakatayo ang isang babae, walang iba kundi ang kanyang ina.

"Gumising ka hindi pa ito ang oras mo, may misyon ka pang dapat gawin anak."

"Nay bakit ganun sila? Ang sama nila!!!! huhuhu" muling bumalik sa alaala ang lahat ng ginawa nung mga kalalakihan.

"Oras na para gantihan ang mga tao!!!" galit na boses ng ina.

Walang tigil sa pagluha si Angela habang yakap ang walang saplot na katawan at niyakap siya ng kanyang ina.

Pinilit nyang tumayo ngunit wala siyang natitirang lakas sa kanyang katawan at ramdam pa ang pag agos ng dugo mula sa kanyang sikmura. Malalim ang tinamo nyang sugat mula sa itak na itinarak sa kanya.

Inalalayan siya ng ina at dahan-dahan siyang gumapang upang isuot ang damit at panty na halos sira na dahil sa pilit na paghila at paghubad sa kanya.

Kinaya nyang tumayo habang hawak ang sugat, lumakad sa gitna ng talahiban hanggang makarating sa tabi ng kalsada. Doon ay natanaw niya ang sasakyan at sa tabi nito ay ang walang buhay na katawan ng kanilang driver at ang nakadapang katawan ng kanyang mamita na tadtad ng saksak sa likuran.

Lumapit si Angela sa katawan ng matandang babae at pinilit nya itaas upang hagkan at yakapin at kumawala ang napakalakas na sigaw at pagtangis.

"Oh my God!!!!! Mamita please wake up!!! huhuhu..."

"Saklolo tulungan nyo ko!!!!" palingon lingon sa paligid ngunit wala siyang makitang ibang tao o sasakyan o bahay sa lugar na yun.

Hinawakan siya sa balikat ng ina upang damayan sa labis na kalungkutan.

"Nay anong gagawin ko ngayon?"

"Gusto mo bang makaganti?"

"Opo! magbabayad sila sa mga kahayupang ginawa nila!!!!" abot langit ang galit na nararamdaman ng dalaga.

"Kung gayon ito na ang tamang panahon upang maningil." bigla itong nawala at mag isa nalang si Angela sa tabi ng dalawang bangkay.

'kriiinnnggg' napunta ang tingin sa pinanggagalingan ng tunog.

Tumayo si Angela at inilapag ang katawan ng kanyang mamita. Nagpahid ng luha at marahang lumapit sa sasakyan.

'kkkrrriiinnnggg' nakita nyang umiilaw ang cellphone kinuha nya ito at nakita ang pangalan sa screen.

'Anton calling'

Mabilis nya ito sinagot ngunit wala na ang nasa kabilang linya. Imbis na tawagan ang kasintahan ay tumawag siya sa emergency hotline at makalipas lang ang ilang minuto ay dumating na ang ambulansya kasunod ay mga pulis.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon