Pagmulat ng mga mata ni Angela ay nasa ospital na siya katabi ang doctor at pulis.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng doctor.
"Medyo masakit parin po yung sugat ko." ramdam ang kirot sa kanyang tiyan.
"Maraming dugo ang nawala sayo kaya kinailangan na salinan ka. If you need anything just press this button okay? Maiwan ko muna kayo." sabay labas ng kwarto.
Inumpisahan na syang tanungin ng imbestigador. Ikinuwento lahat ng dalaga ang mga pangyayari walang labis walang kulang. Habang nakikinig sa kanya ang lalaki ay panay sulat nito sa kanyang maliit na notebook. Bigla itong may kinuha sa bag.
"Sayo ba ito? Nakita namin 'to sa ilalim ng kotse." hawak ang kuwintas na nakasilid sa isang malinaw na plastik.
"Ay opo sa akin yan. Salamat po at nakita nyo ito." kinuha at isinuot na leeg.
"Salamat din sa lahat ng impormasyon, makaka asa kayo na gagawin namin ang lahat para mahuli ang mga lalaking gumawa nito." at nagpaalam na ito.
Naiwan mag-isa sa kanyang silid si Angela. Oras-oras ay may nurse na dumadating para i-check siya. Dumalaw rin sa kanya ang kasintahan. Malungkot na ikinuwento ni Angela ang pinag daanan nila at ng sabihin nito ang tungkol sa pang gagahasa sa kanya ng limang lalaki ay bigla itong nanlumo at naawa sa dalaga.
Dumating rin sa ospital ang bestfriend niyang si Nancy. May dalang bulaklak at prutas. Nadatnan pa niya doon si Anton at ito na ang nagkuwento sa kaibigan. Labis ang lungkot ng dalawang kaibigan sa sinapit ni Angela. Hindi sila makapaniwala na ang matalik na kaibigan ay may matinding pinagdadaanan. Wala ang kanyang Mamita at nag iisa nalang siya ngayon sa buhay.
Buong araw sa ospital sila Anton at Nancy, nagpaalam na sila dahil bawal na ang dalaw sa gabi upang makapag pahinga ng maayos ang pasyente. Sa huli ay tahimik ng nagpahinga si Angela at matapos bigyan ng gamot at mabilis itong nakatulog.
Hating gabi ng ng maalimpungatan ang dalaga. Nagising siya dahil nais niyang gumamit ng banyo. Pagbalik sa kanyang higaan ay nakita niyang nakatayo ang kanyang ina malapit sa bintana. Nakangiti lang ito sa kanya at tsaka ito lumapit.
"Buti naman at nasa iyo parin yang kuwintas." nakatingin ito sa leeg ni Angela.
"Opo ito nalang ang natitirang alaala niyo sa akin Nay."
"Salamat at iningatan mo ito gaya ng bilin ko. Napaka halaga ng kuwintas na ito."
"Bakit po ba ganun nalang kahalaga ito?" pagtataka ng dalaga.
"Ito ang simbolo ng ating pinagmulan. Ang lahi natin na hindi katulad ng mortal na tao. Siguro anak panahon na para malaman mo ang katotohanan."
Laking gulat ni Angela sa mga narinig.
"Ano po ang ibig ninyong sabihin? Ano pong katotohanan?" naguguluhang tanong nito.
Bigla dumilim ang paligid.....Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan at dagundong ng kulog at kidlat. Ikinuwento ni Nena ang lihim ng kanilang pamilya.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)