"Oo nga pala, bakit ka nga pala ulit nag iisa dun sa kalye tapos umiiyak ka pa?" usisa nito.
"Birthday ko po kahapon, ang araw din kung kailan pinatay este namatay ang nanay ko." nakayukong paliwanag ng bata.
"Talaga? hindi pala naging maganda ang kaarawan mo kahapon?" nanlaki mga mata nito na may halong awa sa narinig.
"Hindi ko po alam kung ano ngyari basta sinunog po ng mga kapitbahay namin yung bahay namin at naiwan po sa loob ang nanay ko." may galit sa mga mata habang nagsasalita.
"Eh ang tatay mo?"
"Namatay po siya nung araw na ipinanganak ako."
"Ay kawawa ka naman pala. Wala ka na palang mga magulang....kung gusto mo ako nalang ang magiging nanay mo at ikaw na ang magiging anak ko." pagkumbinsi ni Elena kay Angela.
"Talaga po?" laking gulat sa narinig.
"Oo, simula ngayon ay tatawagin mo na akong Mamita at kung papayag ka tatawagin naman kitang Angeline."
"Sige po gustong gusto ko po yun!" sabay yakap at halik sa bago niyang nanay-nanayan.
"Angela......Angeline......" nag iisip si Angela kung bakit gusto ng Mamita niya na palitan ang pangalan niya.
"Hmmmm.....okay lang magkatunog parin naman eh mas mahaba nga lang ng konti." pabulong na sabi nito.
"Angeline simula ngayon dito ka na titira. Lahat ng bagay dito ay sayo na at ituring mo akong parang tunay mong ina. okay?"
Napatingin si Angela sa buong silid at sa sobrang tuwa ay nagtatalon ito sa napaka lambot na kama.
"Magluluto lang ako ng pagkain at ng makakain na tayo." umalis na ito at naiwan mag isa si Angela.
Habang nasa dining table ang dalawa ay patuloy parin sila sa pagkukuwentuhan. Parang tunay na mag-inang nawalay sa isa't isa ng napakatagal na panahon.
"Anong grade ka na ba?"
"Grade 3 po pero hindi ko po alam kung makakapag aral pa ulit ako." malungkot na boses ni Angela.
"Aba siyempre naman kaya nga ako nandito diba?"
"Papag-aralin kita sa isang pivate school. Gusto mo ba yun?"
"Aba siyempre po, salamat po Mamita!" humalik ito sa pisngi at nagpatuloy sa pagkain.
FIRST DAY OF SCHOOL........
"Hi ako po si Angeline Montenegro" pagpapakilala sa harap ng klase.
"Dito ka na maupo sa tabi ko. Ako nga pala si Nancy." nakikipag shake hands ito sa kanya.
"Tawagin mo nalang akong Angela." at iniabot din ang isang kamay.
Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Hanggang sa makatapos sila ng elementary. Parehas rin sila ng school na pinasukan sa highschool at college. Halos hindi mapag hiwalay ang dalawa.
"Sis ang tagal mo naman male-late na tayo." sigaw ni Nancy.
"Sandali nalang ayaw kasi mabuksan yung locker ko." pilit na iniikot ang susi.
"Miss gusto mo tulungan na kita?" boses ng isang lalaki na nasa likuran ni Angela.
"Hi Anton, buti dumating ka kanina ko pa to sinusubukan pero ayaw mabuksan eh!" inis na sabi ni Angela.
'click' sabay tanggal ng lock.
"Oh ayan na po. Wag mo kasi pang gigilan" sabay kindat sa dalaga.
"Thanks! bye see you later!" sabay kaway sa papalayong binata.
Si Anton ang lalaking tumulong kay Angela ng muntik na itong masagasaan. Naglalakad sila Angela at Nancy sa tapat ng school ng may mabilis na kotseng muntik na makabangga sa kanya. Buti nalang at mabilis itong hinila ni Anton at napatumba sila sa gilid. Magkaklase din sila sa isang subject kaya naging magkaibigan ang dalawa.
Makalipas ang isang taon ay naging magkasintahan sila. Si Anton ang first boyfriend ni Angela. Mahal na mahal nila ang isa't isa. Kung dati ay laging si Nancy lang ang kasama niya, ngayon ay tatlo na sila.
"Lumayo layo nga kayo ng konti baka pati ako kagatin ng langgam!" pagbibiro ni Nancy.
"Ikaw talaga sis!" sabay tapik sa kaibigan.
"Kasi naman kayo ang sweet sweet nyo eh!"
"Ayaw mo pa kasi sagutin si John ang tagal ko ng nirereto sayo yun!" singit ni Anton.
"Pag sinagot ko yung mokong na yun hindi na tayo 'love triangle'" haha sabay tawa ng malakas.
Palabiro talaga si Nancy kaya masarap kasama. Kahit minsan epal okay lang haha.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
TerrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)