Palakad-lakad sa daan at hindi ngayon alam ni Angela kung saan siya pupunta. Inabot na siya ng gabi sa paglalakad at pagtakbo makalayo lang sa kanilang tahanan. Wala naman siyang ibang kamag-anak kaya wala siyang mapupuntahan.
Ayaw naman niyang bumalik sa kanila dahil kitang kita niya ang galit sa mga mukha ng mga taong pumatay sa kanyang ina. Bumalik sa alaala ang ngyari. Napaluha at nanlumo dahil sa sinapit ng pinaka mahalagang tao sa kanyang buhay sa kamay ng mga taong hindi parin niya malaman kung bakit nagawa ng mga iyon ang ganung bagay.
"Nay hindi ko po alam ang gagawin ko ngayon na mag isa nalang ako....huhuhu"
Isang malakas na hangin ang naramdaman niya. Luminga linga siya sa paligid at napatingala siya dahil bilog na bilog pala ang buwan. Tamang tama para bigyan ng liwanag ang kanyang dinadaanan. Ramdam niya na kasama lang niya ang ina dahil kahit gaano pa kadilim ay hindi siya nakakaramdam ng takot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Malayo na ang nararating ng batang si Angela ng may narinig siyang malakas na busina ng sasakyan sa kanyang likuran.
"BEEEPPPPPPP!!!!!!"
Huminto ang isang magarang kotse at bumaba ang isang matandang babae. Mukhang mayaman at mukha ring mabait.
"Ineng gabing gabi na bakit nasa kalsada ka pa?"
"Wala po akong mapuntahan dahil nasunog po ang bahay namin at namatay na po ang nanay ko."
"Ganun ba? Gusto mo bang sumama sakin?"
Napangiti nalang si Angela. Isang anghel ang pinadala ng Diyos para tulungan siya. Sumakay na sila sa kotse. Dahil sa sobrang dami ng ngyari sa araw na iyon ay bumigay sa pagod ang murang katawan ng kawawang bata. Mabilis itong nakatulog at napasandal sa matanda.
Mahaba haba ang biyahe kaya mahaba ring nakapag pahinga si Angela. Pagmulat ng mga mata nito ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang babae habang hinahaplos ang mahaba niyang buhok.
Napasarap ng tulog si Angela dahil feeling niya ay nakapatong ang ulo niya sa kandungan ng sarili niyang ina habang hinahaplos ang buhok niya.
Huminto ang sasakyan at bumaba na ang dalawa. Tumuloy sila sa isang napaka laking mansyon. Malawak ang hardin na punong puno ng makukulay na bulaklak.
"Andito na tayo sa bahay ko." nakangiti ang babae habang inaalalayan ang bata sa pag akyat ng mataas na hagdan.
Tumingin tingin sa paligid si Angela. Hindi maiwasang mamangha sa mga kagamitan. Malaking sofa, mga porselanang dekorasyon, maluwag ang galawan hindi kagaya sa kanilang munting tahanan.
"Halika ineng sumunod ka sakin"
Tahimik naman sumunod si Angela papasok sa isang silid.
May malaking kama na puno ng unan. Sa gilid nito ay may computer at telepono. May maliit na sofa sa isang sulok at may kabinet na punong puno ng manika.
Binuksan ng matanda ang isang malaking aparador at bumungad ang napakaraming damit ng batang pambabae.
Iniabot nito kay Angela ang isang kulay pink na bistida. Isinukat niya at saktong sakto lang ito sa kanya. May kinuha ulit itong kahon na may lamang pares ng sapatos. Kagaya ng damit ay kasya rin ang mga ito.
Biglang tumulo ang luha ng matandang babae habang nakatitig ito. Nilapitan siya ni Angela na may pagtataka.
'Bakit kaya siya umiiyak? Kanino bang damit at sapatos itong suot ko?'
"Bakit po ang tahimik sa bahay ninyo? Wala po bang ibang tao?"
"Wala, ako nalang mag isa." malungkot na sagot nito habang pinupunasan ang luha.
-------------------------------------------------
Kilalanin ang babaeng tumulong kay Angela.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HororSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)