Simula ng iwan ang mansyon ay hindi pa humihinto sa pagmamaneho si Angela. Isang lugar lang ang alam niyang puntahan sa pagkakataong ito. Alam niya na wala na siyang babalikan dahil malamang ay nag aababang sa kanyang pagbabalik ang mga tao.
WELCOME TO SAN ANTONIO
Pagkalagpas sa arko ay nawala na ang kaba sa kanyang dibdib. Alam niyang malayo na siya sa panganib at mas magiging ligtas siya sa probinsyang ito.Huminto si Angela sa isang gasoline station dahil kailangan ng malagyan ang gas tank bago pa siya itirik sa gitna ng daan.
Bumili narin siya ng pagkain para siguradong may kakainin siya pagdating sa resthouse.
Habang tinatahak ang daan papunta sa kanilang makipot na kalsada ay na-flat ang gulong ng kotse.
´Oh no! malapit na ko bakit ngayon ka pa ako na-flat-an!´
Wala siyang kaalam alam sa pagrerepair ng kotse at lalong wala siyang mahingan ng tulong dahil madaling araw na.
Inisip niya na mag-stay nalang sa loob ng kotse at magpalipas ng umaga tutal malapit narin naman magliwanag.
´TOK TOK!´
Nagulat ang dalaga ng marinig ang katok mula sa bintana.
"Miss kailangan mo ba ng tulong?" tanong ng isang lalaki sa tapat ng pinto.
Mukha naman itong mabait kaya binuksan ni Angela ang bintana ng kotse at sinabi ang problema.
Tinulungan naman siya ng binata na ayusin ang flat na gulong.
Matapos magpasalamat ay itinuloy na niya ang pagmamaneho. Hindi na nila nagawang magpakilala sa isa´t isa.
Pagdating sa resthouse ay muli siyang nahiga at itinuloy ang naudlot na pagpapahinga.
"Magandang araw po....."
"Tao po......"
Nag tatanghalian na si Angela ng marinig niya ang taong tumatawag sa labas ng bahay.
"Magandang araw din po. Sino po sila?" magalang na bati ng dalaga.
"Ako nga po pala si Isabel. Dati akong katiwala dito sa bahay na ´to. Dun po ako nakatira sa kabilang bahay."
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
TerrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)