Chapter 12

2.6K 39 2
                                    

Tumapat si Angela sa isang malaking salamin na kita ang buong katawan mula sa kanyang ulo hanggang paa.....

Unti unting nakakaramdam ng matinding init ng katawan, sunod nito ay ang paghaba ng mga kuko niya sa mga daliri sa kamay, pagkapal ng magkabilang kilay, ang buhok na unat na unat at mahaba ay biglang naging parang buhok ng bruha, at ang kulay itim niyang mga mata ay parang mga nagbabagang bolang apoy!

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh!!!"

Napasigaw siya sa kakaibang sakit na naramdaman niya sa bandang likuran. Kaunti siyang tumagilid para makita kung ano yung parang bukol sa likod niya. Itinaas niya ang suot na t-shirt at laking gulat ng may makita siyang kulay itim na pakpak at tuluyan ng nasira ang suot niyang pang itaas na damit. Bumuka ang mga ito at kitang kita niya mula sa salamin ang pag galaw nito pababa at pataas. Para siyang isang maliit na ibon na sinisubukang ipagpag at iwagayway ang mga pakpak.

Hindi niya alam kung anong ngyayari sa sariling katawan.......patuloy lang si Angela sa pakikiramdam sa mga pagbabagong ito.

Unti unti ring nagkakaroon ng kulubot ang kanyang makinis na kutis, mula sa maputi at makinis na mukha ngayon ay may mga butlig butlig na tumubo dito at napansin niya na ang mala perlas niyang ngipin ay nag iba narin. Ibinuka ang bibig at nakita niyang nagkaroon siya ng matutulis na ngipin at humaba rin ang kanyang dila.

Mula sa kinatatayuan sa harap ng salamin ay sinuri niyang mabuti ang lahat ng kakaibang tumubo at mga nagbago sa katawan......halos hindi na niya makilala ang sarili. Akala niya ay tapos na ang lahat ngunit naramdaman niya na parang kumukulo ang tiyan niya.

Humawak siya sa sikmura dahil sobrang sakit nito. Namimilipit na siya sa hapdi na ang pakiramdan niya ay gutom na gutom siya na parang hindi kumain sa loob ng isang taon.

Pupunta na sana siya sa kusina para kumuha ng pagkain ngunit bago pa man makalabas ng silid ay........

Parang may humihila sa kanya paitaas at may humihila rin pababa. Parang gustong hatiin sa dalawang parte ang kanyang katawan.

"Awwwwwwww!!!"

Isang saglit lang ay nahati sa gitna ang katawan ni Angela! Parang dinaanan siya ng isang napakalaki at napakatalas na cutter para ganun kabilis nahati ang katawan niya sa dalawa. Akala niya ay patay na siya.......

Nanlaki ang mga mata sa nakikita. Nanatiling nakatayo ang kanyang ibabang bahagi ng katawan mula beywang hanggang paa at doon naman sa itaas ay ang kanyang ulo hanggang tiyan at sabay gumana ang kanyang pakpak! Hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Kinapa kapa ang tiyan at sa ilalim nito ay nahawakan niya ang mga nakalawit na bituka!!!

"Whhhhhhhhhaaaaaaaaaaaaa!!! Ano 'tong mga ngyayari sakin? huhuhu."

Tumulo na ang mga luha dahil sa labis labis na pagkabigla sa mga pangyayari. Biglang bumukas ang bintana at naroon ay isang malaking paniki na parang sinusundo siya.

Kusang gumalaw ang mga pakpak niya at sumunod sa paniki. Pakiramdam niya ay dapat niya itong sundan dahil may pakiramdam siya na ang nanay niya iyon.

Sa unang pagkakataon ay naranasan niyang lumipad! Bilog na bilog ang buwan at wala ng taong makikita sa lugar dahil masyado ng malalim ang gabi. Kakaibang pakiramdam ang nadama niya ng may makita siyang aso na naglalakad sa tabi ng kalsada. Huminto siya sa paglipad at parang agilang dinagit at kanyang target. Dinala niya ito sa isang madilim na sulok at doon ay madali niya itong kinagat sa tiyan. Sumirit ang dugo at parang uhaw na uhaw na ininom ang tumatagas na dugo mula sa katawan ng aso. Winakwak rin niya ang gitnang bahagi at tumambad ang mga lamang loob at kanya na itong nilumpakan. Gamit ang mga matutulis na kuko ay dinakot niya ang bituka at sinubo at gamit ang matutulis na ngipin ay mabilis niyang naubos ang laman nito. Tinigilan lamang niya ito ng mabusog na siya sa dami ng kinain. At tsaka muling lumipad pabalik sa kanyang bahay.

Pagpasok niya sa bintana ay naroon na ang malaking paniki. Nag iba ito ng anyo at sa isang kisap mata lang ay nakatayo na sa kanyang harapan ang sariling ina.

"Magaling anak, nagawa mo na ang maging katulad namin......" nakangiting bati sa anak.

"Nay eto na ba yung sinasabi mo?" tanong ni Angela habang pinupunasan ang dugo na tumutulo mula sa kanyang bibig.

"Oo anak, sa tuwing sasapit ang kabilugan ng buwan.....sa ayaw mo man at sa gusto magbabago ang anyo mo at magiging isa kang manananggal. Sa ngayon ay hayop palang ang natitikman mo pero dadating ang araw na mas gugustuhin mo ang tao....ang dugo, puso, bituka, atay ang magbibigay sayo ng lakas."

"Pero ayoko pong maging halimaw! Hindi ko po kayang pumatay huhuhu....." nakokonsensiya siya sa ginawang pagpatay sa kawawang aso.

"Masasanay ka rin anak kailangan mo yun gawin para mabuhay."

"Paano po ako babalik?" tinuro ni Angela ang katawan niya na magkahiwalay parin.

"Sa oras na makuntento ka sa pagkain mo ng tao ay babalik ka sa katawan mo at magdudugtong ulit ito. Tandaan mo anak..... HUWAG NA HUWAG MONG HAHAYAANG MAY MAKAKITA NG KALAHATING KATAWAN MO AT HIGIT SA LAHAT BAWAL KA SA ASIN. SA ORAS NA MALAGYAN NG ASIN ANG KALAHATING KATAWAN MO AY HINDING HINDI KA NA MAKAKABALIK."

"Maaari mo parin gawin ang mga dati mong ginagawa basta wag mo lang aalisin sa leeg mo ang kuwintas dahil ito ang magiging proteksyon mo." dagdag ng ina.

Dahan-dahan nagdugtong ang kanyang katawan. Bumalik narin sa dati ang kanyang itsura. At saka naglaho ang ina sa gitna ng dilim. Humiga na si Angela at muling bumalik sa alaala ang ginawang panloloko ng kasintahan at ng matalik na kaibigan. Muling nag iiyak hanggang sa makatulog.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon