Hindi makapaniwala si Angela sa napanood. Masamang masama ang loob niya sa mga taong sumunog ng bahay na pamana ng kanyang Mamita.
"Handa na ang pagkain...." sabay pasok ni Aling Isabel mula sa kusina na hawak ang mangkok ng kanin at ulam.
"Ang bango naman po ng luto nyo." papuri ni Angela at inalis nalang sa isip ang nasa balita.
"Siyempre special ang bisita kaya special din ang ulam." nakatawang sagot ng matanda.
"Ay siya nga po pala nag-bake po ako ng cake sana magustuhan nyo."
"Wow chocolate cake!" sabik na wika ni Jasmin.
"Sige salamat kainin natin yan mamaya. Teka nasaan na ba ang kuya mo ha?"
"Hindi ko po alam nay." sabay ayos ng mga pinggan.
"Oh anak andyan ka na pala halika kakain na."
Napalingon si Angela at nakita mula sa pintuan ang lalaking tumulong sa kanya sa kalsada.
Malaki ang katawan, matangkad, at guwapo lalo ng nung ngumiti ito at lumabas ang dalawang dimples.
Napatingin din ito sa kanya at mukhang nakilala rin siya.
"Hi, diba ikaw yung kahapon?" bati ng binata.
"Hi, oo Angela nga pala. Thank you ulit sa pagtulong ha." nag kamayan silang dalawa.
"Ako nga pala si Carlo." ngumiti ito at kumindat pa.
"Hoy Caloy, pakainin mo muna yang bisita natin bago ka magpa-cute." sabat ng nanay nito.
"Si kuya talaga may nalalaman pang Carlo hehe..." pang aasar naman ng nakababatang kapatid.
Nagtawanan nalang sila at sinimulan ng kumain.
Matapos ng masarap na tanghalian ay hiniwa na ni Aling Isabel ang cake.
"Ang sarap naman ng cake na ´to." sabi ni Caloy habang sinusubo ang panghuling piraso.
"Dala yan ni Ate Angela." sagot ni Jasmin.
"Kung laging may ganto kasarap na dessert abay dito ka na lang palagi kumain hehehe." biro nito.
Napangiti naman si Angela. Masaya kasama ang pamilyang ito pakiramdam niya ay nagkaroon ulit siya ng bagong pamilya.
Naiwan sa sala sina Angela at Caloy. Nagligpit ng pinagkainan ang matanda katulong si Jasmin.
"Ang saya naman ng pamilya mo." paunang salita ni Angela.
"Ganito talaga kami. Bakit ikaw nasaan ang pamilya mo?" tanong nito.
"Nag iisa nalang ako sa buhay. Namatay yung tatay ko nung araw na pinanganak ako, tapos namatay ang nanay ko nung sampung taong gulang ako. May kumupkop sa akin pero wala narin siya." bakas ang kalungkutan sa mukha ng dalaga.
"I´m sorry bakit ba tinanong ko pa. Alam ko ang pakiramdam ng mawalan. Kinuha narin ng Diyos ang tatay. Kaya pinipilit namin pasayahin si nanay kasi kami nalang ang magkakasama." nakatuon ang paningin sa picture na nasa ibabaw ng tv.
"Ah siya ba ang tatay mo?"
"oo siya nga. Hanggang ngayon hindi ko parin makalimutan ang gabi kung kailan siya namatay."
"Bakit ano ngyari sa kanya?" usisa ng dalaga.
"Mahabang kuwento eh. Siya nga pala dito ka na ba titira sa San Antonio?" tanong ng binata.
"Oo kasi andito yung naiwang bahay ng Mamita ko, yung taong kumupkop sa akin."
"Gusto mo bang mamasyal?" pag aaya ng binata.
"Next time nalang siguro."
"Promise?"
"Yes I promise. oh siya mag papa alam na ako....Aling Isabel, Jasmin maraming salamat po sa pag iimbita. Tutuloy na po ako."
"Sige Ineng ingat ka."
At lumabas na siya ng may ngiti sa mga labi. Muli siyang lumingon sa bahay at nakitang nakatanaw parin sa kanya si Caloy.
Pagpasok ng bahay ay hindi mawala sa kanyang isip ang mukha at matamis na ngiti ng binata. Ang gaan gaan ng loob niya rito at parang may kakaiba sa lalaking iyon.
Sa kanyang pag iisa ay bumalik sa alaala ang napanood sa balita.
Tumulo ang mga luha at labis ang kanyang kalungkutan dahil sa ngyari sa mansyon.
´Hindi ko na hahayaan na makasakit ng tao. Gusto ko ng magbago at pipilitin kong magbago alang alang kay Mamita. Tinuruan niyo akong maging isang mabuting nilalang at ayokong habang-buhay akong nagtatago sa madilim na lihim ng aking pinagmulan huhuhu.´
Tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha habang pinagmamasdan ang larawan ng pinakamamahal na ina-inahan.
![](https://img.wattpad.com/cover/7290139-288-k484001.jpg)
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)