Nagising si Angela sa ring ng kanyang cellphone.....
Tumawag ang abugado at nais siyang makausap tungkol sa will ng kanyang Mamita.
"Ipinamamana ko sayo Angela ang lahat ng ariarian ko. Kabilang dito ang mansyon, mga alahas, sasakyan, pera sa bangko at pati narin ang resthouse sa San Antonio."
Matapos ang seryosong usapan ay nagpaalam na ang lalaki at naiwan si Angela mag isa sa mansyon. Napangiti siya dahil mahal na mahal talaga siya ng kanyang Mamita. Hindi siya itinuring na ibang tao. At ngayon kahit wala na siya ay hindi parin siya pinabayaan.
"Thank you so much Mamita.....I love you...." sambit niya habang yakap ang litraro nito.
Kinabukasan........
Imbis na muling magmukmok sa silid ay ninais ni Angela na mag shopping. Namili siya ng mga bagong damit.....ang mga hilig niyang damit na simple ay iniba niya. Mas gusto niya na baguhin ang style niya. Ang dating conservative na dalaga ay naging seductive habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin sa loob ng fitting room. Maging ang flat shoes kung saan siya komportable ay nagbago narin. Mga pares ng high heels ang binili niya. Mga accessories na malalaki, cosmetics, make-up, nail polishes at kung ano ano pang mga burloloy sa katawan. Buong araw siyang nagpakasaya sa pamimili ng mga gamit.
Matapos ang nakakapagod na araw ay umuwi na si Angela. Naligo at saka humarap sa isang malaking salamin.
"Simula ngayon ay kakalimutan ko na ang lahat ng problema." sambit niya sa sarili.
Muling kinuha ang mga shopping bags at isa isang sinukat ang mga pinamili.
Naisipan niya suotin ang fitted tube na halos lumuwa na ang kanyang hinaharap at pinareha ang pulang mini skirt. Kitang kita ang kurba ng kanyang katawan na dati ay pinakatago tago niya. Kinuha niya sa box ang itim na sandals at sinubukang lumakad lakad upang masanay mag balanse dahil sa sobrang taas nito. Umupo na siya sa harap ng salamin at inayos ang sarili. Ang mahabang buhok ay ginamitan niya ng curler at naglagay rin ng make-up at red lipstick. Black nail polish ang napili niya at huli ay ang accessories.
"Perfect!" nasabi niya pagharap niya sa napakalaking salamin na kita from head to toe.
Kinuha niya ang handbag at sumakay sa kotse. Pumunta siya sa isang bar, umorder ng juice at pinagmasdan ang mga tao sa paligid.
May mga nagsasayawan, nagtatawanan, nagkkuwentuhan....lahat ay nag sasaya maliban kay Angela.
"Hi" bungad ng isang lalaki na malamang ay nasa 20's.
"Hi" simpleng sagot ni Angela.
"May I know your name? By the way I'm Charles." inilahad ang kamay.
"Angela" nakipag kamay narin sa binata.
"Newbie here? ngayon lang kasi kita nakita dito."
"Yeah"
"Do you want to drink something?" alok ng binata habang iniangat ang hawak na wine glass.
"No thanks, hindi ako umiinom." sabay dampot ng basong may lamang juice.
"You are so beautiful, may boyfriend ka na ba?" nakangiting tanong.
"Uhm, I'm single. And you?"
"Single too."
Medyo naiilang na si Angela dahil hindi siya sanay makipag usap sa ibang tao kaya nagpaalam siya upang pumunta sa wash room. Pagbalik niya ay nandun parin si Charles at inaantay siya. Hindi na siya muling nakipag usap at ininom nalang ang juice na nasa harapan niya.
Nakatingin lang ang binata sa kanya at pinagmamasdan ang bawat lagok ng juice na iniinom ng dalaga. Ng maubos na ang juice ay nakaramdam siya ng pagkahilo. Sinubukan niyang tumayo ngunit bigla nalang umikot ang kanyang paningin at tuluyang bumaksak sa kanlungan ng katabi.
"Angela?" tanong ni Charles.
Ngunit hindi na magawang idilat ang mga mata at nawalan na ng malay ng dalaga.
Pagmulat ni Angela ng mga mata ay nasa kuwarto na siya. Lumingon lingon sa paligid at napansin niyang hindi iyon ang kanyang silid. Nakahiga siya sa kama at nakabalot ng kumot ang katawan. Wala siyang suot na kahit ano. Tumayo siya upang buksan ang blinds ng bintana. Sumikat sa kanyang mukha ang liwanag ng araw. Napansin niya ang papel sa ibabaw ng maliit na lamesa.
'Thank you for that wonderful night. You are really hot! Super nag enjoy ako.'
Naiyak nalang si Angela ng maalala ang lahat ng ngyari......sa pangalawang pagkakataon ay pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan. Muli ay namuo ang galit sa kanyang dibdib. Labis na pagkamuhi ang namamayani sa kanyang sarili.
"Hinding hindi nyo na ako maiisahan!!! Magbabayad kayong lahaatttttt!!!"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/7290139-288-k484001.jpg)
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)