Chapter 13

2.3K 35 0
                                    

Pag gising sa umaga ay kakaiba ang pakiramdam ni Angela. Nahihilo at nanghihina at parang nasusuka kaya bumangon siya at pasuray suray na tumungo sa cr. Isinuka niya ang lahat ng laman ng tiyan at guminhawa lang ang pakiramdam ng mailabas niya ang kahuli hulihang piraso ng laman.

Bumalik sa kanyang isipan ang ngyari. Ang pag transform nya sa pagiging halimaw! Bumangon siya mula sa pagkaka yakap sa toilet bowl at dumeretso sa bathroom para mag-shower.

Hindi nagbago ang pakiramdam niya kung kaya buong araw lang siyang nakahiga. Walang gana kumain at kahit uminom ng tubig. Simula umaga hanggang gabi ay nagkulong lang siya sa kuwarto.

Alas onse ng gabi ng magising siya dahil sa matinding gutom. Nais niyang kumain kaya tumayo siya at pumunta sa kusina. Nagluto siya ng fried chicken at kasabay ang mainit na kanin ay madali niya itong kinain.

Ng maubos ang kahuli hulihang piraso ng manok at pati ang kanin ay nakakaramdam parin siya ng gutom.

"Ano ba to ang dami ko ng nakain pero kumukulo parin tong tiyan ko! argh!!!"

Kumuha siya ng baso at pinuno ito ng tubig. Nainom na ang ikatlong baso ng tubig ngunit ganun parin ang pakiramdam niya.

"Ahhhhh!!!!" napasigaw ng malakas si Angela at sa pangalawang pagkakataon ay nagbago ang kanyang anyo.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon