'Narito ang mga nagbabagang balita.......'
'Isang private resthouse ang nasunog kaninang madaling-araw. Natagpuang patay ang isang
lalaki sa loob ng kuwarto. Hindi na makilala ang bangkay dahil sobrang sunog na sunog ito.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis at SOCO ang lugar. Patuloy na tumutok para sa mga
huling detalye ng insidente.'
'Muling nagbabalik ang inyong lingkod....kamakailan lang ay isang matandang lalaki na nasa edad
sitenta ang natagpuang patay malapit sa tabi ng sapa sa baranggay Pag-asa. Kalunos-lunos ang
sinapit nito. Hindi malaman kung anong sapi mayroon ang mga taong bumiktima rito. Malamang
ay mga adik ang gumawa ng karumal dumal na krimen. Ayon sa saksi may naamoy siyang napaka
baho sa may bandang dulo ng sapa at ng lapitan niya ito ay laking gulat dahil bangkay ito ng lalaki
at halos wala ng dugo at lamang loob. Hanggang ngayon ay hindi parin nahuhuli ang may sala at
patuloy na gumagala kaya pinapaalalahanan ang mga residenteng mag ingat. Lalo na sa pagsapit
ng gabi'.
Pinatay na ni Angela ang TV matapos mapanood ang balita. Nakaramdam siya ng pag aalala dahil
baka sa susunod ay malaman na ng mga tao ang ginagawa niya.
Huminto muna siya sa pambibiktima ng mga ilang araw. Nagkulong sa loob ng bahay at pinilit ang
sarili na yung mga naka stock nalang na lamang-loob ng baboy ang kainin kapag nakakaramdam
siya ng gutom.
Nakatiis si Angela sa ganun hanggang ikatlong araw. Ngunit hindi na talaga kaya ng sikmura niya
at hinahanap hanap na ng kanyang panlasa ang sariwang dugo at laman ng tao.
Kabilugan ng buwan.....
Ang gabing pinaka iintay niya, sa wakas ay makakakain na ulit siya ng puso, atay, bituka etc.
Habang naghahanap ng mabibiktima ay nagawi siya sa isang baryo kung saan may nakita siyang
ilaw, may mga nagsusugal at nag iinuman. Sa gitna nito ay may kabaong na pinaglalamayan.
Alam niyang delikado kung doon siya mambibiktima kaya lumipad nalang siya palayo.
"Pareng Dondon tignan mo yun!!!!" sigaw ng isang lalaking umiihi sa likod ng puno.
"Ang laking ibon nun ah!" sagot naman nung kasamang umiihi sa gilid ng malaking bato.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HororSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)