Nagpatuloy ang magandang pagsasamahan nina Angela at Caloy.
Unti unti ng nahuhulog ang loob nila sa isa't isa.
Isang araw......
"Angela pwede ba kitang ligawan?" tanong ng binata.
"Uso pa ba ang ligawan?" sabay tawa.
"Oo naman para maipakita ko sayo kung gaano kita kamahal."
"Ayoko........" sagot ni Angela na ikinagulat ng binata.
"Ayaw mo ba sa akin? busted na agad ako?" paawa ang mukha.
"Ang sabi ko ayokong ligawan mo ako....."
"Huh?! ayaw mo magpaligaw? wala akong pag asa?"
"Ayoko magpaligaw pa kasi gusto ko tayo na sinasagot na kita....."
Hindi makapaniwala si Caloy sa narinig.
"Oo na girlfriend mo na ako at boyfriend na kita....." pahabol pa ng dalaga.
"Ganun kabilis? sure ka?" tuwang tuwa ng marealize na hindi nagbibiro si Angela.
Tumango naman ito at hinalikan sa pisngi ang binata.
"Yooohooooo!!!" binuhat ni Caloy si Angela at hinalikan sa pisngi pati sa labi.
Masayang masayang ibinalita ni Caloy sa ina at kapatid ang pagiging magkasintahan nila ni Angela.
Binati naman sila ni Jasmin at ng nanay Isabel nila.
Madalas silang makita ng mga kapitbahay na magkasama at magka holding hands pa habang naglalakad.
"Bagay na bagay kayong dalawa!" bati ni Ramon, kaibigan ni Caloy.
"Mukhang tinamaan ka dito sa Anghel na 'to ah!" sabat naman ni Tino.
"May kapatid ka pa bang babae? pakilala mo naman kami." wika naman ni Sammy.
"Magsitigil nga kayo! hahaha." sagot ni Caloy habang pinapakilala sa mga kaibigan ang bagong kasintahan.
Bago matapos ang araw ay nagtungo sila sa burol. Gustong gusto nilang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Nag iiba kasi ang kulay ng langit at nagbibigay ng parang ang gaan gaan sa pakiramdam.
Pinagmasdan ni Caloy ang mukha ni Angela habang nakangiti itong tinatanaw ang paligid.
"Bakit?" napalingon ito sa kanya.
"Angela mahal ko......"
"Oh ano yun Caloy?"
"Salamat."
"Salamat saan?"
"Ikaw ang nagbalik ng buhay sa akin. Salamat at dumating ka. Akala ko hindi na ulit ako magmamahal simula ng mamatay si Trina."
"Sino si Trina?"
Ikinuwento ni Caloy ang ngyari sa dating kasintahan.....
"Oh I'm very sorry." hinaplos ni Angela ang malungkot na mukha ng nobyo.
"Masaya na ako ulit at dahil yun sayo." bumalik ang ngiti sa kanyang mukha.
Hinawakan ni Caloy ang baba ni Angela at dahan dahan dumampi ang kanyang mga labi. Gumanti ng matamis na halik ang dalaga at pagkatapos ay nagyakapan.
"I love you."
"I love you too."
Bumalik na sila sa kani kanilang tahanan na tila ayaw pang magkahiwalay. Excited na muling mag umaga para muli silang magkita.
'BEEEPPPP'
text message from Caloy.
'Good night honey. I love you.'
'BEEEPPPPP'
text message from Angela.
'Good night din honeykoh, I love you more! mwahhh!!!'
Umabot na ng isang buwan ang kanilang relasyon. Walang away, walang tampuhan. Puro lambingan at halos hindi na mapag hiwalay ang dalawa.
"Happy first month honeykoh!"
"Happy monthsary din honey."
may simpleng dinner date ang dalawa sa garden ng bahay ni Angela.
Naghanda siya ng masarap na pagkain at dessert at may kasama ding wine.
"Ang ganda ganda ng honey ko ah!" suot ang red dress, sandals, simple make up at curly hair.
"Ang guwapo mo din! kaya mas nainlove ako sayo...." suot naman ang light-blue polo at pants at black shoes.
"Let's eat."
Pagkatapos nilang kumain ay tumayo si Caloy at pinindot ang play ng kanyang mp3 player.
"Pwede ba kitang isayaw?" naka abang ang isang kamay upang kuhain ang isang kamay ng dalaga.
"Wow prepared ha?" impressed naman si Angela.
Habang sumasayaw ang dalawa sa love song ay magkayakap sila at magkadikit ang mga pisngi. Napaka romantic ng gabing iyon. Ang gabing ayaw nilang matapos.
Bago matapos ang music ay lumuhod si Caloy sa harapan ni Angela.
"Honey.....alam ko masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ayaw ko ng pakawalan pa ang babaeng katulad mo.....
Simula nung araw na makita kita sa gitna ng daan alam ko agad na na-love at first sight ako sayo. Gustong gusto ka ng pamilya ko at gustong gusto rin kita maging parte ng pamilya ko....
Angela will you marry me?"
Speechless si Angela at the same time ay di napigilang tumulo ng kanyang luha. Ang luhang dulot ng sobrang kaligayahan.
"Yes Carlo o Caloy Fernando I will marry you!!!"
Isinuot ni Caloy ang singsing sa ring finger ni Angela at hinalikan niya ang kamay nito.
"Mahal na mahal kita Angela."
"Mahal na mahal din kita Caloy."
Hindi na napigilan ang paglalapit ng kanilang mga labi.
Napatigil ang kanilang paghahalikan ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Nagmadali silang pumasok sa loob ng bahay ngunit halos basa na sila.
Niyaya ni Angela si Caloy na pumasok sa kuwarto.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)