Chapter 7

2.9K 42 6
                                    

Isang magandang umaga...

Nagbibihis si Angela dahil may pupuntahan sila ng kanyang mamita.

Isang puting dress ang napili niyang suotin at tska flat na sandals. Naghahanap siya ng accessory pero di siya makapili.

"Mamita please help me ano po ba ang magandang ipartner?" hawak ang box na puno ng jewelries.

"Bakit hindi mo isuot 'to?" itinuro ang antik na kuwintas.

"Okay po thanks!" at ikinabit sa leeg ang kuwintas na bigay ng kanyang yumaong ina.

"Yan bagay na bagay sayo" nakangiting kumento ng mamita nya.

Umalis na ang mag-ina papunta sa isang lugar at walang kaalam alam si Angela.

Malayo ang biyahe at nakatulog ang matanda habang nagbabasa naman ng libro ang dalaga. May nadaanan silang isang lumang simbahan.

"Manong daan po tayo sa simbahan sandali." sabi ni Angela sa driver.

Paghinto ng kotse ay nagising naman ang kanyang mamita kaya magkasa na sila pumasok sa simbahan. Matapos manalangin ay lumabas na sila at nagpatuloy sa byahe.

WELCOME TO SAN ANTONIO

nakasulat sa arko na nasa tabi ng kalsada.

Medyo pamilyar ang lugar kay Angela. Patingin tingin siya sa paligid ng bigla siyang akbayan ng ina.

"Naaalala mo pa ba? Dito sa lugar na to kita nakitang naglalakad at umiiyak."

"Ay oo nga po hindi ko na po masyado maalala kasi marami na pong nagbago. Tsaka 8 years na po nakakalipas nung huli akong nakatungtong dito sa aming baryo. San po ba tayo pupunta?"

"May sorpresa ako sayo iha. Sandali nalang ay andun na tayo."

Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay.

"Angeline andito na tayo."

"Kanino pong bahay 'to?"

"Halika pumasok ka." hinawakan ang kamay ng dalaga at pumasok na sila sa loob.

"Rest house namin to. Akala ko dito ako tatanda kasama ng pamilya ko. Pero dahil wala na sila hindi ko na gusto na bumalik dito. Napabayaan na kasi nga hindi na ko nakadalaw ulit sa loob ng mahabang panahon." inaalala ni Elena ang masasayang nakaraan sa loob ng lumang bahay.

Luma na nga ang bahay pero maganda parin. Maraming mga gamit na nakatakip ng puting tela para hindi mapuno ng dumi at alikabok. May tatlong silid, malawak na sala at malaking kusina. Kumuha ng gamit panlinis ang matanda at pinagtulungan nilang linisin ang bahay. Nagwalis, nagpunas at ng matapos sila sa paglilinis ay nagpahinga sila sa likod bahay kung saan may puno ng mangga at may naka kabit na duyan. May maliit na lamesa at may mga upuan din. Parang piknik ang ginawa ng mag-ina. Naglatag ng maliit na kumot sa damuhan at naghanda ng sandwiches at fruits at nagtimpla din sila ng juice. Bonding silang dalawa at sobrang saya nila na parang yun na ang huli nilang tawanan.

Matapos nilang magtanghalian ay naghanda na sila sa pag uwi. Inabot na sila ng gabi sa daan. Habang nasa madilim at makipot na kalsada ay may limang lalaki na humarang sa kanilang sasakyan. May hawak na itak at baril ang mga ito.

"Bumaba kayo diyan!" sigaw nung isang lalaki habang nakatutok ang baril kay manong driver. Sa takot naman ng matanda ay bumaba ito na nakataas ang dalawang kamay.

Nagmamakaawa ang mag-ina pero parang walang naririnig ang mga lalaki. Umiiyak na si Elena at pati narin si Angela.

"Please wag niyo kaming sasaktan. Anong kailangan niyo samin? Kung pera ang gusto niyo eto sa inyo na." Ibinigay ni Elena ang bag at mga alahas.

"Mapera pala tong nasaktuhan natin!" Nakangising sabi nung isa.

"Jackpot din tayo dun sa magandang binibini oh tignan niyo!" sabay apir sa katabi.

"Wag po maawa kayo huhuhu....." pagmamaka awa ng dalawang babae

Isang malakas na putok ang gumulat sa dalawang takot na takot. Bumulagta sa lupa ang matandang kanina lang ay nagmamaneho ng kotse.

Hinatak ng isang lalaki si Elena at pinadapa ito sa sahig. At walang awang pinagtataga sa likod, makailang ulit hanggang sa nalagutan ng hininga ang matandang babae.

"WAAAAAAAGGGGGGGGGG!!!!" abot hiningang sigaw ni Angela.

"Ano bang ginawa namin sa inyo? huhuhuhu......" hindi mawala ang tingin sa duguang ina.

Tawanan lang ang sinagot sa kanya ng mga demonyong nag anyong tao. Patuloy sa pagtangis ang dalaga. Hindi malaman kung anong gagawin at kung paano makaka alis sa sitwasyong iyun.

Hinila siya palabas ng sasakyan at kinaladkad sa talahiban. Patuloy ang kanyang pag mamaka awa ngunit hindi siya pinapakinggan ng mga ito.

Sa gitna ng tahimik na bukirin at ilalim ng maliwanag na buwan ay walang awang ginahasa ang dalaga. Salit-salitan ang limang lalaki sa kanyang sariwang katawan. Halos mawalan na siya ng hininga at boses kakasigaw ngunit walang ibang nakakarinig sa kanya. Matapos siyang pagsawaan ay isang malalim na saksak sa tiyan ang kanyang tinamo mula sa huling lalaking gumamit sa kanya. Iniwan nalang siyang duguan at halos wala ng buhay sa gitna ng damuhan. Ilang saglit lang ay pumikit na ang kanyang mga mata na namumugto sa dami ng luhang umagos sa gabing iyon.

Ang gabing hindi niya inakala na babago sa kanyang buhay.

Pag-ibig sa HALIMAW_completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon