Si Caloy naman ay nahiga sa sofa habang nakatitig sa kawalan....
"Uy si kuya inlababo....." itinulak ang kapatid at tinabihan ito.
Hindi naman siya pinansin dahil busy ang nakatatandang kapatid sa pag iisip.
"Ano bang iniisip mo dyan? Para kang baliw na nakangiti mag-isa eh hehehe." pangungulit ni Jasmin.
"Kuya????? para akong tanga dito nagsasalita mag isa at ang kuya ko naman ay nababaliw na!"
"I think I´m inlove!!!!" biglang sigaw ni Caloy na ikinagulat naman ni Jasmin.
"HAHAHA for the first time tinamaan ng pana ni kupido ang puso mo!"
"Jasmin ano ba sa tingin mo si Angela?" biglang namungay ang mga mata nito.
"Mabait naman si ate, maganda....at masarap mag bake!"
"Ikaw talaga ha basta sa pagkain! kaya ang taba taba mo na eh!" pinisil ang bilbil ng kapatid.
Siya namang dating ng nanay nila. Naririnig nito mula sa labas ang tawanan ng magkapatid.
"Kamusta ang date ninyo ni Angela?" wika ng nanay.
"Nay naman eh...." biglang namula ang mukha niya.
"Nag enjoy ba naman ang kasama mo?"
"Syempre naman po."
"Mukhang nagkagaanan na kayo ng loob ah."
"Nay magkaibigan lang po kami." muli ay bumalik ang ngiti sa mga labi.
" Si kuya kinikilig......uuuuuyyyyyy!!!! hahaha" pang aasar ni Jasmin.
Hindi na kaya ang pang aasar ng nanay at kapatid kaya pumasok na si Caloy sa kanyang silid.
Naiwan naman ang mag-ina sa sala.
"Buti naman at bumalik na ang sigla ng kuya Caloy mo." sumeryoso ang mukha ni Aling Isabel.
"Oo nga po eh buti nakilala niya si ate Angela." sagot naman ni Jasmin.
"Sana nga ay tuluyan ng makalimutan ng kuya mo si Trina."
Ngiti lang ang isinagot ni Jasmin at pumasok na ito sa kuwarto.
SA KUWARTO NI CALOY.....
Habang nakahiga sa kama ay biglang dumilim ang paligid....
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
TerrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)