"Angela!!! Ilabas mo si Anton!!! Alam ko nandyan sya!!!" galit na galit na nag iiskandalo ang isang babae sa harap ng bahay ni Angela.
Kahit anong kalampag sa gate ay walang nagbubukas. Halos sumakit na ang kanyang lalamunan at mapaos na kakasigaw ngunit walang tao sa bahay.
'Beeeeppppp beeeeppppp'
napalingon ang babae ng makita ang kotse sa likuran niya.
"Nancy? anong ginagawa mo dito?" binuksan ang pinto ng sasakyan at nilapitan ni Angela ang babae.
"Ilabas mo si Anton!" galit na sabi nito.
"Bakit mo siya dito hinahanap?"
"Alam ko andito siya kaya ilabas mo na siya."
"Wala nga siya dito!" at tinalikuran ang kausap.
Muling sumakay sa kotse at inaantay ang pagbubukas ng automatic gate. Pagpasok sa loob ay dahan dahan naman ang pagsara nito at nakalusot si Nancy. Hindi siya naniniwala sa sinabi ng dating kaibigan kaya palihim itong nagtago sa likod ng malaking puno at pinagmamasdan si Angela hanggang makapasok ito sa loob ng bahay.
Nagtungo si Angela sa kanyang kuwarto upang magpahinga. Malayo layo rin ang byahe mula dun sa resort kaya talagang pagod siya.
Tahimik namang pinihit ni Nancy ang pinto sa likod bahay at laking tuwa ng hindi ito naka kandado at mabilis itong nabuksan. Tumingin tingin siya sa paligid at ng masigurong wala doon si Angela ay mabilis itong pumasok.
Parang magnanakaw tuloy ang tingin niya sa sarili dahil pumasok siya sa isang bahay ng walang nakaka kita at nakaka alam.
'Nasaan ka na ba Anton?' bulong sa sarili habang tinutungo ang kusina.
May napansin itong tulo ng dugo na halos tuyo na sa may bandang lamesa. Ipinag walang-bahala lang niya ito at naglakad papunta sa sala.
'Walang tao....' kaya umakyat ito ng hagdan papunta sa second floor at binuksan ang unang pinto ng silid.
Ang dating kuwarto ng matandang pumanaw. Malinis at maaliwalas ang buong silid. Nakakabinging katahimikan at lungkot ang naramdaman niya sa loob. Medyo kinilabutan si Nancy dahil sa kakaibang pakiramdam na parang may nagmamasid sa kanya dahil sa ginawang pag trespassing. Inilibot ang mata sa buong silid at naisipan nalang igalang ang kuwarto at lumabas.
Wala ring tao sa silid na iyon kaya't sa katapat na pinto naman ang binuksan niya.
'eeeeekkkkkkk' tunog ng pinto habang dahan dahan niya itong itinutulak.
Malamig ang hangin sa loob ng madilim na silid. Binuksan niya ang ilaw at nakitang nakabukas pala ang bintana. Guest room naman ang napasok niya. Maayos na kama, malinis din at maaliwalas ang silid. Muli ay inilibot ang paningin ngunit wala ring tao ni bakas ng may natutulog o nag-stay sa loob ng silid.
'Parang totoo nga yung sinabi ni Angela na wala dito si Anton.'
Patalikod na sana si Nancy ng biglang umihip ang malakas na hangin. Nakaramdam siya ng kakaibang takot ng maamoy niya ang pabango ni Anton. Tumaas ang balahibo niya dahil wala naman tao sa silid na iyon at lalong wala doon si Anton kung kaya paano niyang maamoy bigla ang pabango nito.
'pssst!'
napalingon siya sa narinig.
'pssst!'
hindi malaman ni Nancy ang gagawin. Parang napako siya sa kinatatayuan.
'Oh my God Anton nasaan ka ba?' takot na takot na si Nancy dahil si Anton lang ang mahilig mag sitsit sa kanya.
'pssst!!!'
Nilakasan niya ang loob na hanapin si Anton sa silid na iyon. Baka nagtatago lang ito at binibiro siya.
'Ikaw talaga Anton! Lagot ka sakin pag nakita kita!!!' pabulong bulong sa sarili habang inaalis ang kobre kama.
Sa ilalim ng kama......wala rin!
Sa likod ng kurtina......wala.
Sa likod ng maliit na couch......wala parin.
Sa likod ng pinto......wala talaga.
Isang lugar nalang ang hindi pa niya nabubuksan.........
Pagbukas ng malaking kabinet ay napatakip siya ng ilong.
'Sobrang baho ng amoy parang may patay na hayop sa loob' habang pilit tinatakpan ang ilong.
Nakita niya ang itim na plastic at tinanggal ang taling naka pulupot dito.
"WAAAHHHHHHHH!!!" at biglang nawalan ng malay ang dalaga dahil sa nakitang ulo ni Anton na kasama ang lasog-lasog na katawan.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HorrorSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)