Kalahating oras bago maghating gabi...
"Garyyy!!!!!" malakas na sigaw ni Nena.
Napabalikwas sa pagkakahiga at naudlot sa mahimbing na pagkakatulog ang asawa.
"Tawagin mo na si Aling Linda!!!!
Manganganak na akooo!!!!"
Dali-daling minaneho ni Gary ang kanyang tricycle papunta sa bahay ng kumadrona.
"Ikuha mo ako ng maligamgam na tubig, alcohol, at langis" utos ng matanda at nagtungo na ito sa silid.
Natataranta namang sumunod ang mister habang naririnig ang malakas na sigaw at pag iyak ng kanyang misis.
Makalipas ang kalahating oras..
"UHAAAHHH...UHAAAHHH"
Nawala ang nakadagang bato sa dibdib ni Gary ng marinig ang malakas na iyak ng sanggol.
"Kamusta ho ang mag ina ko?"
"Mabuti naman! napaka ganda ng anak mo." nakangiting bati ng matanda.
Madali siyang pumasok sa kwarto at nakita ang asawa na katabi ang munting anghel.
"Ang ganda ganda ng anak natin" mahinang sabi ni Nena.
Bakas pa ang hirap na pinag daanan nito sa panganganak.
"Salamat po Panginoon at ligtas ang mag ina ko" taimtin na nanalangin si Gary.
Humalik ito sa noo ng asawa at anak bago nagpa alam.
"Ihahatid ko lang muna si Aling Linda. Babalik ako kaagad."
Pagkahatid sa bahay ng kumadrona ay mabilis nitong pinaandar ang sinasakyan. Dahil hating gabi na wala na masyadong sasakyan sa malawak na kalsada. Halos paliparin nya ang tricycle para madaling makauwi at makita ulit ang kanyang misis at ang bagong biyaya na magbibigay ng kasiyahan sa kanilang pamilya.
"BEEEEPPP!!!!!!!!!!!"
"BOOOOOMMM!!!!"
Hindi na nagawang umiwas ni Gary sa kasalubong na 10 wheeler truck. Bumangga ito at napailalim ang katawan niya na mabilis ding binawian ng buhay.
"Knock knock!"
"Gary andyan ka na ba?"
"Tao po, mga pulis po kami."
Kahit halos hindi pa makatayo ay pinilit ni Nena na bumangon at buksan ang pinto.
"Ano hong maipaglilingkod ko? Madaling araw na ho ah."
"Ikaw ba ang asawa ni Gary Francisco?"
"Ako nga ho..." kita sa mga mata ang pagtataka.
"Wag ho kayo mabibigla, naaksidente ho ang mister nyo at sa kasamaang palad wala na ho siya. Ikinalulungkot ho namin ang balitang ito."
Hindi makapaniwala si Nena sa narinig. Mabilis nitong kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang mister.
Biglang nag-ring ang cellphone na nakaplastic at iniabot ito ng pulis. Pag aari ni Gary ang mga gamit sa loob ng plastic bag. Kabilang dito ang driver's licence at wallet.
Wala ng lumabas sa bibig ni Nena ng mapatunayang totoo ang masamang balita. Patak nalang ng mga luha ang patuloy na kumawala sa kanyang mga mata.
Nagpaalam na ang mga pulis at naiwang umiiyak si Nena. Bumalik ito sa silid nilang mag asawa at niyakap at hinalikan ang litrato nilang dalawa.
"Ang daya mo naman sabi mo babalik ka kaagad! Paano na kami ng anak natin? huhuhu......"
Pagtingin niya sa anak niya ay medyo nabawasan ang lungkot niya dahil kahit papano ay may naiwan pang alaala ang asawa.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig sa HALIMAW_completed
HororSa isang relasyon mahalaga ang tiwala at pagiging tapat sa isa't isa. Alamin ang lihim ni Angela na hindi niya masabi kahit kanino at pilit niyang itinatago kahit sa taong pinaka mamahal niya. My second book :-)